CHAPTER TWENTY-ONE

190 17 32
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE


SINULIT ni Austin ang dalawang araw na kasama si Theo. Kapag may pagkakataon ay walang kasawaan sila sa katawan ng isa't-isa. Hindi sila makontento sa isang mainit na sandali dahil paulit-ulit nilang ginagawa iyon.

Two days with Theo was a pure bliss to him. Ngayong tapos na ang dalawang araw at babalik na ito ay hindi niya maiwasan ang malungkot. Wala naman siyang magagawa kundi hayaan ito dahil hindi naman nito pwedeng pabayaan ang trabaho.

"By the way, Austin, nakalimutan kong sabihin na hindi ako makakapunta rito next weekend." Sinabi nito ang rason kung bakit na tungkol sa business matter.

Ang malungkot niyang mood ay mas lalong lumungkot. Hindi na lang siya nagkomento. Ipinagpatuloy niya ang pagliligpit ng ilang damit na dadalhin nito pabalik.

Mukhang napansin nito iyon. Inabot nito ang kamay niya at masuyong hinalikan.

"Alam kong malungkot ka. Pareho lang naman tayo ng nararamdaman pero isipin mo na lang na para sa future natin kaya nagsisipag ako. Malapit na rin ang birthday natin, kailangan din nating paghandaan iyon. Ngayon lang tayo ulit magkakasama sa araw ng kaarawan natin. "

Napangiti siya sa sinabi nito. "Ang OA ng malapit na ang birthday natin. Ang layo pa kaya n'un. Tatlong buwan pa po."

"Malapit na 'yon para sa 'kin," giit nito. "Ano bang regalo ang gusto mo na matanggap?"

"Ikaw." Nakangisi niyang sabi. Tuluyan nang nabura ang malungkot niyang mood. Tutuksuhin niya ang kasintahan.

"Gusto ko 'yan. Will you do the honor again?" Pilyong tanong nito. "O gusto mong i-bottom na ako? You know that I'm willing to give it to you."

"Gusto mo bang gawin na natin ngayon?" Nanunukso niya ritong tanong.

Natahimik ito. Napalunok. Lumarawan ang kaba sa mukha na lihim niyang ikinangiti. "D-do you want to claim it now?"

"It's up to you. Ikaw naman kasi ang madi-divirginize."

"Well..." a long pause intervened. Tila pinag-iisipan nito ang sunod na sasabihin. "I'm up to it but you see, I need to go now. Ayokong ma-traffic sa daan."

Napakagat-labi na lang siya sa pagpipigil ng malawak na ngiti. "It's okay. I'll understand. Alam ko ang pakiramdam ng ma-first time kaya hindi kita pipilitin. You need to ready yourself mentally and physically. When you're ready you can tell it to me. Sa ngayon, ang dapat mong gawin, mag-ingat sa pagmamaneho. Drive safely. And when you arrived their, you should call or text me. Kumain ka rin sa tamang oras kapag sa office ka. Huwag kang papalipas ng gutom."

Theo smiled widely. Umusog palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Buong puso naman siyang gumanti. "Gustong-gusto ko na nag-aalala ka sa akin ng ganito. Ramdam ko ang pagmamahal mo. Don't worry, Austin, mahal ko, mag-iingat ako para sa 'yo. Isasapuso ko rin ang mga bilin mo."

"Oo na." Natatawa niyang sabi saka kumalas sa pagkakayakap dito. Tumayo siya at lumayo rito. Ipinagpatuloy ang ginagawa. "Kung makaarte tayong dalawa parang ang layo masyado ng pupuntahan mo. Palagi rin naman tayong nag-uusap sa cellphone at video call na rin."

"Hayaan mo na. Understandable naman iyon kasi sobrang mahal natin ang isa't-isa. Kapag nagkaproblema ka kay Cheenah tawagan mo ako kaagad, ah."

"I'll do that." Sagot niya. But the doubt begins creeping him. Nawala sa isip niya ang tungkol kay Cheenah at sa balak na pag-ampon niya sa mga ito. Masyado siyang masaya at sinulit ang pagkakataon na kasama ito kaya nawala iyon sa isip niya. Dapat ay sabihin niya rito ang mga plano niya.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon