CHAPTER TWENTY-FOURMAY mga bagay na kailangang isuko kahit ayaw mo. May mga pangyayaring hinihiling mo na sana hindi nangyari. May mga desisyon na hindi mo na mababawi at kailangan mong panindigan. At higit sa lahat may mga taong dadaan sa buhay mo na mag-iiwan ng malaking marka at pangyayari na magbabago sa buhay mo.
Kahit ayaw ni Austin, nagdesisyon siya na mag-resign sa pagtuturo para pagtuunan ng pansin ang pag-aalaga sa tatlong sanggol.
He wasn't financially stable now but there are people who are willing to help him. Some lend some money while the others offered him job.
May mga pangyayaring hinihiling niya nasa sana hindi nangyari at iyon ay ang pagkawala ni Cheenah. Alam niya na kung buhay ito ay ipagpapatuloy nito ang buhay nito at tutuparin ang mga pangarap sa buhay.
May mga desisyon na hindi na niya mababawi at iyon ang katotohanan na kasal na siya at isang balo na ngayon. Desisyon na isang buwan na buhat nang nangyari ngunit hindi pa rin alam ni Theo.
Mapait siyang napangiti. Hindi na nakapagtataka na hindi pa nito alam dahil kasalukuyan itong nasa ibang bansa. Theo will be staying in Russia for three months. Doon ito mananatili pansamantala para makita ang mga proseso at matiyak na magiging successful ang surrogacy.
Suportado niya ito sa mga ginagawa nito pero nakakatawa lang na sinasabi niya iyon kahit na may mga bagay na siyang nagawa na hindi nito alam. Nagi-guilty siya. At alam niya na sa oras na malaman ni Theo ang lahat ay magiging mitsa iyon ng malaking away sa pagitan nila. Ayaw niyang mangyari iyon pero hindi maiiwasan.
"Ako na muna ang titingin sa mga bata, Austin, anak. Kumain ka na muna roon at kanina pa ako nakahain. Palagi ka na lang nalilipasan ng gutom."
Napatingin si Austin sa mama niya. Hindi na araw-araw ang pagtungo nito sa karinderya simula nang bumalik siya sa poder nito kasama ang tatlong anak na pinangalanan niyang Ronnan Clyde, Dennan Claude at Shannon Cleid. Katulong niya ang ina sa pag-aalaga sa mga bata. Tinuturuan din siya nito ng mga dapat gawin na hindi niya alam. Slowly, he was learning. Natutuwa siya dahil dama niya ang pagmamahal ng mama niya sa mga anak niya kahit hindi nanggaling sa kanya ang tatlo. His mother was very supportive also. Minsan nga ay ito pa ang bumibili ng mga kailangan ng tatlo.
"Kumain ka ng marami, Austin, ah," pahabol nito bago siya lumabas.
Kumain siya ng marami gaya ng sabi nito. Tama ito na lagi na lang siyang nalilipasan ng gutom. Tuwing kasama niya kasi ang tatlong sanggol ay sa mga ito nabubuhos ang buo niyang atensyon.
Eksaktong katatapos pa lang niya sa pagkain nang tumunog ang cellphone niya na nasa bulsa ng suot niyang short. Si Kaizer ang caller niya. Alam na niya ang dahilan ng pagtawag nito. Hindi nga siya nagkamali ng makausap na ito. Niyayaya siya nito na magbakasyon kasama ang mga bata sa isang probinsya base na rin sa sinasabi rito ni Kyrion. Kaizer was like a middleman between them. Hanggang ngayon ay hindi pa siya kinakausap ni Kyrion Jay kahit na nagpupumilit siya na kausapin ito. Kaizer told him that Kyrion Jay was not ready yet. But after talking to Kaizer, he was speechless. A bit shocked when he heard a familiar voice in the other line.
"How are you, Austin? I'm sorry, ngayon lang ako nagkalakas ng loob na kausapin ka sa telepono. Natatakot kasi ako na marinig ang mga posibleng panunumbat mo sa akin tungkol sa paglilihim ko sa 'yo. But that's not the issue now, I'm talking to you to say my condolences for the lose of your student and also the mother of your children."
"I-I understand," nauutal niyang sagot. "Hindi 'yon mahalaga sa akin ngayon pero hindi ibig sabihin na hindi ko gustong malaman ang dahilan mo, Kyrion Jay. I still need answers. But lets take it aside now, mabuti na rin na kausap kita para mapasalamatan sa perang pinahiram mo sa akin."
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts (Book 2)
RomanceOne is seeking for a second chance and the other one is expecting for nothing. How can you bring back the past and make amends to the things that you've done? Theo's regain his life after the wrong things that he had done. He repents and wanted thin...