CHAPTER NINETEEN

203 18 31
                                    


CHAPTER NINETEEN


TAKOT.  Stress. Hindi alam kung ano ang dapat gawin. Austin was having mix emotions inside of him and all of it are negativity. Nang makita niya kaninang dinudugo si Cheenah ay sobrang takot ang bumangon sa kanyang puso. Nataranta siya at hindi alam kung ano ang dapat gawin. It was his first seeing and being in that kind of situation. Mabuti na lang at kahit papaano ay umiral ang presence of mind niya. Lumabas siya at humingi ng tulong sa mga kapitbahay na agad namang sumaklolo at sinamahan pa siya magdala kay Cheenah sa ospital. Umalis lang ang mga ito nang makitang maayos na ang lagay niya.

Pauwi na siya nang mangyari ang lahat. Alam niya kasing naghihintay sa kanya si Theo. Alam ni Austin na pinipilit ni Theo na unawain ang sitwasyon nila, naiipit ito at nawawalan na siya ng oras sa kasintahan dahil nagugugol niya ang karamihan niyon kay Cheenah na kailangan ng pansin at pagkalinga. Anumang oras, nangangamba kasi siya sa posibleng pagsabog ng estudyante. Kahit na gusto niyang magkaroon ng quality time kay Theo ay hindi niya magawa. Sa gabi na nga lang sila nito magkasama, hindi pa niya magawa dahil minsan ay nakakatulog siya kaagad. Hindi rin niya magawang ikwento sa kasintahan ang totoong sitwasyon ni Cheenah dahil ang pakiramdam niya ay hindi siya sa lugar para magsabi ng kalagayan ni Cheenah dito. Ngunit ngayon na alam na nito ang lahat dahil sa narinig mula sa nurse, wala na siyang ibang magagawa kundi harapin ang malamig at galit nitong ekspresyon.

"Kailan mo pa nalaman na buntis si Cheenah? Akala ko kaya may pagdurugo na nangyari sa kanya dahil tinangka niyang mag-suicide pero hindi pala. Mali pala ako ng akala. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? May balak ka bang sabihin sa 'kin, huh, Austin? Nagmumukha akong kontrabida sa estudyante mo at sa pag-iisip ng kung ano-ano. Nagiging makasarili ako dahil sa kanya natutuon lahat ng atensyon mo, tapos, iyon pala... " umiling-iling ito. Halatang nasasaktan. "You're unbelievable, Austin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa'yo."

"Sorry," nakayuko niyang sabi. Hindi niya magawang salubungin ang nang-uusig nitong tingin.

"You're sorry? If you really are then you shouldn't do things that you know will hurt me. Ano ba ang dahilan mo, Austin? Ba't ganitong bagay hindi mo masabi sa 'kin? Natatakot ka ba na husgahan ko ang estudyante mo?"

"Hindi iyon ganoon, Theo."

"Hindi ganoon? Then tell me your reason. Give me a valid one for me to let this pass. Nasasaktan ako sa ginagawa mo. You know what? I'm being guilty thinking that I don't understand you enough but now... God Austin! Fuck!" Pagmumura nito. Frustration was visible on his face and to his voice also. "Dadamayan naman kita, ah! Sasaklolohan kita kung nahihirapan ka. Sana naging tapat ka at sinabi mo sa akin lahat para naunawaan kita."

"I'm sorry, Theo." Muli niyang sabi.

Hindi ito sumagot. Tinalikuran siya at namaywang. Tila kinakalma ang sarili para huwag ng sumabog pa at ibunton ang galit sa kanya.

Hinawakan niya ito sa balikat ngunit inalis nito iyon. Nasaktan at nalungkot siya sa aksyon nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin dito. He was guilty on everything. He was the reason why they are in this situation.

"I'll go to the admitting section. Aasikasuhin ko ang pagpapa-confine kay Cheenah dito." Paalam nito sa kanya at walang lingon-likod siyang iniwan.

Nanghihinang napaupo siya sa upuan na nandodoon. Dapat sinabi na niya kay Theo ang lahat para naunawaan nito ang lahat at hindi na nag-isip ng kung ano-ano. Masyadong natuon niya ang atensyon kay Cheenah kaya nabalewala na niya ito.

He sighed.



MABILIS  na lumipas ang mga araw. Sa tatlong araw na nagdaan, walang pansinan sa pagitan nila ni Theo. Nagri-reach out siya sa kasintahan ngunit hindi siya nito pinapansin. Pinapakita nito sa kanya kung gaano ito nagtatampo sa kanya na hindi naman niya masisisi. Aminado siya sa kasalanang nagawa kaya inuunawa niya ito. Nababalewala ang mga effort niya pero hindi siya sumusuko na magkabati silang dalawa. Kahit si Cheenah na maayos na ang kalagayan at pwede nang makalabas ay napapansin ang sitwasyon nila.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon