CHAPTER THIRTY-EIGHT

239 22 52
                                    


CHAPTER THIRTY-EIGHT


"NAGPAPAALAM ako sa 'yo dahil alam kong malaki ang naitulong mo sa akin, Kyrion Jay. Kagustuhan kong bumalik sa amin at sa ayaw at gusto mo ako pa rin ang masusunod. Buhay ko 'to. I don't want myself to be more indebted to you. Hindi mo na ako kargo. Wala ka---"

"Tingin mo ginagawa ko 'to dahil sisingilin kita sa lahat ng mga bagay na ginawa ko? Ganoon ba ang pagkakakilala mo sa akin, Austin?"

"Hindi ganoon ang iniisip ko sa 'yo, Kyrion Jay. I owe you so much and that's a fact, pero ayoko nang abusuhin pa ang kabaitan mo. I don't want to give you burden. Ayoko nang dagdagan pa. Just let me go, please. Gusto kong bumalik ang mga alaala ko at hindi ko 'yon magagawa kung dito lang ako."

Umiling ito. "I don't want to let you go. Ayoko."

"But you need to. Alam mo na simula pa lang wala kang makukuha sa akin. Hindi kita magagawang mahalin pabalik."

Lumarawan ang sakit sa mukha nito. "Kailangan ba talagang sabihin mo 'yan at ipamukha sa akin?"

"I'm sorry," he said then backed-off. "Gusto ko lang naman na imulat ang mata mo, Kyrion Jay. I'm doing this for my own good and yours also."

"I know, but why now, Austin? Why now? Ang tagal nating nanatili rito at bigla mo na lang naisipan na bumalik. Ba---"

"Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-open ako ng topic na ganito, Kyrion." Pamamatlang niya rito. "As far as I remembered, I told you numerous times that I wanted to go back to regain my consciousness. Pero sa mga attempt ko na iyon ay lagi mo akong dini-dismiss. You are so against the idea. Hinayaan ko kasi alam ko na masaya ang mga bata rito. Kinalakihan na nila ang lugar na ito. But after finding the reason of my accident and knowing the truth, dapat lang na bumalik ako. Makakatulong sa akin si Th---"

"Theo?" Pamamatlang nito. "Sabihin mo sa akin ang totoo. Are you doing this because you wanted to retrieve your memory or you are doing this to see that guy."

"That guy." He said. "Wala siyang kinalaman dito. I'm doing this for my own good. At sana tandaan mo na ang tinatawag mo na 'that guy' ay hindi basta-basta kung sino lang. Siya ang karelasyon ko na walang kaalam-alam sa mga nangyari at nangyayari sa akin. Tandaan mo na inilihim niyo sa kanya ang mga pinagdaanan ko dahil takot kayo."

"Kanino mo ba nalaman ang lahat ng 'yan?" Gulat nitong tanong na may kasamang galit. "Bakit ang bilis mong paniwalaan ang sinasabi ng ibang tao kaysa sa akin."

"Just let me go, Kyrion. Just let me go." He said. Gusto niyang sabihin dito ang totoo. Na nalaman niya ang lahat sa mama niya ngunit hindi niya gagawin iyon. Ayaw niyang mapunta ang sisi sa ina lalo na at...

"Kanino mo nalaman ang lahat ng 'yan, Austin?" Untag nito sa pananahimik niya. "Hindi mo pa ako sinasagot."

"Hindi na mahalaga kung kanino ko nalaman, Kyrion. Hindi na mahalaga. Ang gusto kong mangyari ang isipin mo. I wanted things to be easy for the both of us but you were making it hard for us. Gusto kong maghiwalay tayo na magaan ang loob sa isa't isa. Walang samaan ng loob. Bakit ba hindi mo 'yon magawa?"

"Do I really need to spell out things for you, Austin? Alam natin pareho na ayokong mangyari ang gusto mo dahil ayokong malayo ka sa akin. Ayokong mawala ka sa tabi ko. Alam mo kung gaano kita kamahal."

"Kung mahal mo 'ko pakawalan mo na ako, Kyrion. I know its hard but please, accept the fact that I couldn't love you back."

"You're hurting me so much with your words, Austin."

"I'm sorry," muli niyang paumanhin. "Just let me go, please. Sa ayaw o sa gusto man, desidido na ako na umalis dito at bumalik sa lugar na kinalakihan ko."

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon