CHAPTER EIGHT

368 20 64
                                    


CHAPTER EIGHT

DAMN you Theo for being late! Its your first considered date to Austin but you are late!

Ang sermon ni Theo sa sarili habang lakad-takbo ang ginagawa patungo sa seafood restaurant na usapan nilang lugar ni Austin na magkikita.

Late na siya ng dalawampung minuto at alam niyang naghihintay na sa kanya si Austin. He just knew that Austin was there already because he wasn't fond of being late. Isa pa guro ito kaya lagi itong on-time.

Shit!

Gusto niyang kutusan ang sarili nang makita ang walang reaksyon na mukha nito habang palapit siya. Kabahan siya dapat sa magiging reaksyon nito ngunit iba ang reaksyon ng puso niya na mabilis ang tibok habang nakatingin sa gwapong mukha ni ni Austin. Maganda pa rin itong magdala ng damit kahit na dumaan ang ilang taon at mas na-emphasize ang ganda ng katawan nito.

While looking at him, hindi niya mapigilan ang sarili na mas lalong mahulog dito. Pakiramdam niya nasa trance siya, only the two of them matter. But that feeling vanished when Austin looked away.

'Late ka sa usapan' ang agad nitong bungad nang makalapit siya na hindi naman nakapagtataka at simpleng sorry kasunod ng may importante siyang ginawa ang tanging excuse niya. No elaboration that show dissatisfied reaction at Austin's face. Ang sunod niyang tanong ang mukhang lalong nagpa-disappoint dito. Maybe thinking that he was still an insensitive prick.

Kung kanina ay kutos ang gusto niyang gawin sa sarili, ngayon ay parang gusto na niyang bugbugin ang sarili. First date failed na yatang maituturing ang pagkikita nilang ito.

Pumasok na ito sa loob ng restaurant bago magsalita na sinayang ang twenty minutes na paghihintay niya rito.

He sighed while following him. Humingi siya ng paumanhin rito nang makalapit. Huminga lang ito ng malalim saka naghanap ng mauupuan. Sinundan niya ulit ito at umupo sa bakanteng upuan na sa kabilang bahagi ng mesa. Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila.

Upang makabawi at sa kagustuhan na pagsilbihan ito, ipinagbalat niya ito ng hipon pati pag-aalis ng laman ng clam ay ginawa niya.

Napansin nitong hindi pa siya kumakain kaya pautos siyang pinatigil na sinagot niya ng isang banat na nagpaalis ng tingin nito sa kanya. Austin insisted so he do what he said. He started eating but felt uncomfortable when he noticed that Austin was staring at him. Binalewala niya iyon ngunit sa loob-loob niya ay nasisiyahan siya sa tingin na binibigay nito sa kanya, thinking that at least he was minding him.

They talked about the things happened to them but he was the one who kept talking and Austin was not. Pakinig-kinig, patango-tango at side comments lang ito. Nakakadismaya man nagpatuloy pa rin siya.

Hindi naman magiging madali ang lahat. Hindi sila babalik sa kung ano sila dati pero alam niya na paunti-unti ay babalik sila sa puntong iyon.

Na-open niya ang tungkol sa boyfriend nito at sinagot na naman siya nito ng lagi nitong sagot na tumigil na siya at wala siyang aasahan. It frustrates him but he tried suppressing it infront of him.

Nauna itong lumabas ng restaurant at sumunod naman siya. Ayaw niyang matapos ang gabi ng basta-basta lalo na at may plano siya.

Nang yayain niya itong mag-bar ay tila hawak niya ang hininga sa magiging sagot nito at nakahinga nang maluwang nang pumayag ito.

They went to the bar, he lied again and it was intentional. He gave him a coy smile and made an excuse.

Wala itong imik nang umupo siya sa tabi nito.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon