Chapter 5

85 12 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Siniguro kong huminga na muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng silid hapagkainan namin kung saan nasa malayo palang ay maririnig na ang malalakas na tawanan at kwentuhan nila Mommita.


At talaga namang kinailangan ko pang gawin yun para lang kumuha ng sapat na hangin at lakas ng loob sa muling paghaharap namin ni Derit Garrison na sa tuwing nakikita ko ay tila nawawasak ang aking mundo.


"Arth! Buti naman at bumaba kana after three-hundred years!" Exaggerated na deskripsyon ni Granddad. "Tamang-tama at maaari na tayo makapagsimulang kumain nito." Nakangiting dugtong nito sabay kindat kila Mommita.


Parang robot na umupo naman ako sa puwesto ko katabi ng mga pamangkin kong hindi na makapaghintay pang kumain.


Subalit anong pagkatigil ko nalang saglit ng ma-realized kong katapat ko lang pala halos si Derit Garrison na siyang dahilan nga kung bakit hindi ako makapag-isip ng tama ngayon.


Don't mind him, Dallas!


Mind your own food!


Utos ko sa isip kasunod ng pagkapusa sa tulis ng mga mata.


"Tita Arth?" Nahihintakutan na tawag saakin ni Dulter ng mapansin nito ang pagkatulis ng mga mata ko.


"Magdasal muna tayo bago kumain." Si Granddad. "Arthemis, ikaw na ang mamuno." Utos nito saakin.


"Ako!?" Gulat na tanong ko. "Bakit ako!?" Dugtong ko pa.


"Ikaw ang nakatoka ngayong araw, remember?" Balik tanong nito saakin.


Eh oo nga pero hindi ko kayang mamuno ngayon lalo't kaharap ang isang yan!


"E-Eh bakit hindi nalang si Mr. Garrison ang pamunuin natin ngayon?" Suhestiyon ko.


Tutal bisita naman ito kaya dapat lang ito bigyan ng special treatment!


Problema nalang niya yun kung hindi siya sanay mag dasal!


"Is that okay with you, Derit?" Si Mommita.


"Of course." Charismatic na sagot nito. "With all my pleasure." Dugtong pa nito sabay tingin saaking mga mata na halos ikatunaw ko like an ice-cream!


Geeeeeeeeeez!


"Very well the—"


"Spontaneous prayer sana." Putol ko sa sinasabi ni Granddad at request kay Derit na para bang gusto kong subukan ito.


"As you wish, My Lady." Pagpayag naman nito na halos ika-ikot naman ng mga mata ko.


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon