Chapter 14

76 11 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


Bongga!


Sabog agad ang kasikatan ng event ni Mishi na talaga namang pinag-usapan worldwide or maging sa ibang planeta ng mga kalawakan.


Maging sa Novaliz nga'y pinag-usapan ito ng mabuti dahil na rin sa pagiging daring ng show.


Ganun pa man?


Katakataka na hindi lumabas sa ibang mundo ang picture naming dalawa ni Derit Garrison na para bang napakalawak talaga ng power nito sa media para kontrolin kung ano lang ang dapat ilabas sa hindi.


"Damn..." Naiiling na mura ko nalang habang binabasa ang article patungkol saakin kung saan maraming kalalakihan ngayon ang nagpapantasya saakin just like what I expected.


Pambihira naman kasing Derit 'yon!


Kasalanan talaga nito kung bakit ako totally napapayag nila Mishi eh!


Lakas kasing mag hamon ng pagkababae ang pota!


"Sinasabi namin sayo, Master D!" Nahinhintakutan na wika ni Fabrizio. "Sasabihin talaga namin ito kay Commander Artemisia!" Dugtong pa nito.


Halos maging pusa yata ang mata ko ng bigla ko naman maalala ang pagmumukha ni Fabrizio pagkasabi nun saakin kanina lang.


Hindi ko nanga alam kung anong klaseng mga pagbabanta pa ang ginawa ko sa mga ito huwag lang kumanta sa mga pamilya ko patungkol sa kalokohang ginawa ko saamin ni Deceros.


Alam kong malaki ang katapatan nila sa kapatid kong si Artemisia subalit alam ko din ang higit na kinatatakutan nila na siyang ginamit ko nga sa ngayon para hindi malaman ng pamilya ang panibagong gulo na nakasangkutan ko.


Besides, sigurado din naman ako na hindi papatulan ni Deceros ang kalokohan kong yun!


Halos lumaki pa tuloy ang butas ng ilong ko sa tuwa buhat sa naisip kong yun kasunod ng pagtatago na ng magazine na hawak ko sa bag na dala ko.


"Ilang kilo po?" Masayang tanong ng tindero saakin.


"Limang kilo." Mabilis na sagot ko naman agad dito.


Ngayong araw matapos kong makabalik dito sa Lestallum kahapon mula sa ilang araw na pananatili sa Altissia ay ako na mismo ang nag presinta saamin na mamalengke para sa mga pagkaing lulutuin namin sa loob ng isang linggo.


Kung tutuusin, marami naman kaming mga katulong o tagapagsilbi sa hacienda pero mas gusto pa rin kasi ng pamilya na hands-on sila sa pamamalengke kung kaya naman kami pa rin ang gumagawa nito.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon