Chapter 42

62 15 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


"Tignan niyo, ang ganda hindi ba!?" Masayang bida ni Mommita sa mga alahas niya sa kaniyang mga amiga.


Malalim na ang gabi subalit maingay pa rin sa buong paligid lalo't patuloy pa rin ang kasiyahan na nagaganap dahil sa harvesting day na talaga namang todo celebrate silang lahat.


"Arth, ayaw mo muna bang magpahinga o matulog na?" Tanong saakin ni Mummy ng makasalubong ko ito sa kusina. "Baka naman may nararamdaman ka pa ay sabihin mo lang?" Tanong nito.


"I'm fine, Mummy." Sagot ko agad dito. "Nagugutom lang po ako kaya kakain na muna ako dito." Dugtong ko pa.


"Ayos kalang ba talaga?" Tanong na din saakin ni Mishi na tila tulad ko ay tumungo na dito sa private kusina namin para manginain kasama ni Arzella.


Sa dami kasi ng mga bisita sa labas ay tila gusto nalang din muna ng mga ito na magpahinga sa kakadaldal buong mag hapon. Partida panga sa part ko at nag grocery pa ako kanina kaya medyo nakatakas pa sa crowd.


"Si Dreyd, kumain naba?" Tanong ni Mummy kay Zellie.


"Ay, ewan ko po ba nasaan yun?" Mabilis na sagot nito. "Ang alam ko po ay kasama siya kanina nila Kuya Derit eh? Hindi lang po ako sure kung magkakasama pa rin sila ngayon." Dugtong nito.


"Ganun ba?" Si Mummy.


"Ikaw nga Mummy ay tumigil-tigil muna sa kakaisip!" Saway dito ni Mishi. "Ang mabuti pa at kumain kana lang din muna dito para magkaroon ng lakas na makipagdaldalan pa sa labas." Dugtong nito.


"Kakatapos ko lang." Sagot dito ni Mummy.


Habang unstoppable na kami ni Arzella sa paglantak ng masasarap na pagkaing niluto kanina nila Mommita.


"Si Derit nga pala?" Tanong ni Mishi saakin.


"Ha?" Litong tanong ko.


"May idea kaba kung kumain na yun?" Tanong nito.


"W-Wala!" Mautal-utal pa na sagot ko. "Anyway, wala din naman akong pakialam kung nakakain na yun o hindi lalo't malaki na siya at kaya na niya ang sarili niya." Simpleng sagot ko kahit taliwas pa sa sinabi kong yun ang totoo.


Nasaan nanga ba ang isang yun...?


Bahagyang nag-aalala na din na tanong ko sa isip.


"Eh si Noctis ba?" Bigla ay tanong ni Mummy kay Mishi bagama't may himig ng pag-iingat sa boses nito. "Kumain naba yun?" Dugtong nito.


"Ewan ko." Malamig na sagot agad ng kapatid ko. "Ano namang pakialam ko." Dugtong pa nito.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon