Chapter 25

80 12 10
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV


~"Grabe ang galing-galing mo talaga, Ms. Jude! Biruin mo? Dalawang buwan palang ang nakakaraan buhat ng hawakan mo ang banda namin pero sobrang sikat nanamin ngayon worldwide."


Masayang sambit ni Annika sa kabilang linya.


"Kulang pa ang kasikatan niyong yan para magsaya, Annika." Nakangiting sagot ko dito sa phone. "Sa ngayon, mabu-busy lang ako ng kaunti kaya hindi ko muna kayo mabibisita diyan. May panibagong assignment nanaman kasi pinagawa saakin si Big Boss." Dugtong ko.


~"Okay lang po, Ms. Jude! Kayang-kaya naman na po namin kahit hindi niyo na kami tulungan paminsan-minsan." Sagot nito.


"Good!" Masayang sagot ko. "O siya't ibababa ko na ha?" Paalam ko dito.


~"Sige lang po, Ms. Jude! Thank you po ulit ng marami." Pasasalamat nito hanggang sa huli.


Yun lang at ibinaba na namin ang linya ng aming tawagan.


Kasunod nun ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko kasunod ng muling pag tingin ko sa next project ko sa buwiset na Dirk na yun!


Pinapahirapan talaga ako nito ng labis para nga naman mag quit na ako sa pagtatrabaho sakanya't umalis na ng tuluyan sa poder niya!


Sukat ba naman na ang isang paluging restaurant naman ang gusto nitong i-handle ko kasabay ng bagong business nito na patungkol sa furniture!?


I mean, hello!?


Assassin business nga lang hirap na akong patakbuhin tapos isang paluging restaurant at bagong tayo na furniture business naman ang ipaha-handle nito saakin!?


Wala pa akong pahinga ah!?


"Sinusubukan mo talaga ako, Dirk..." Naiiling na anas ko habang naniningkit ang mga mata't pinagmamasdan ang cake na in-order ko dito sa cafeteria namin sa Dark Building.


Marami ngang nagulat kanina ng makita nila ako dito.


Hindi pa daw kasi ako pinababalik ni Big Boss dito kaya ano nanaman daw ba ang business ko dito?


Sa lagay palang yun ay parang kasalanan na ang pumunta dito gayong hindi pa rin naman ako naaalis sa puwesto ko bilang assistant ng Big Boss nila.


Temporarily lang naman ang mga pinagagawa nito saaking projects na hindi ko talaga sukat maisip kung bakit saakin nito inaatang!?


Hindi naman ako college graduate ah!?


Wait!

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon