Chapter 74

86 14 0
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV



"Sweet dreams, Driscol... sweet dreams, Dirk..." Malungkot ang mukha na bulong ko sa mag-ama ko kasunod ng marahang paghalik sa mga noo nila habang natutulog.


Gustuhin ko man na makasama pa sila mamayang umaga't pagkagising ay hindi ko na magagawa pa ang bagay na yun.


Sa tingin ko kasi ay mas mabuti ng wala na ako sa paningin nila pagkagising para hindi na mas masakit pa sakanila ang maiwanan ko.


Lumuluhang nilingon ko panga ang palace mansion ng mag-ama ko matapos kong lumingon dun at mag-dalawang isip na gawin pa ang nasa isip ko subalit alam ko rin naman sa sarili ko na wala nang atrasan pa ito.


Para sa mag-ama mo, Dallas...


Matatag na sambit ko sa isip.


Marahang ipinilig ko ang aking ulo mula sa ala-alang yun na ginawa ko sa mag-ama ko. Masakit man saakin ay kailangan mas pagtuunan ko muna ng pansin ngayon ang pagtatapos ng digmaan na ito na siyang naiisip kong gawin.


"Maaari ba kitang makausap, Kuya Draken?" Seryoso ang pagmumukha na lapit ko sa kapatid ko sa pagitan ng pag-co-command nito sa mga sundalong inilabas muli ng libro para lang sa araw na ito.


Ang araw ng muling paghaharap nila ng aming ama kasama ng mga kaalyado nila mula sa iba't ibang panig ng mga kalawakan tulad ng Furukawa mula sa planetang Earth.


"Ano yun?" Tanong naman nito bagama't alam ko naman na wala talaga saakin ang pansin nito.


"Bakit hindi kana lang tumakas ngayon kasama ni Lady Daila?" Suhestiyon ko dito na ikinakunot naman labis ng noo nito.


"Nababaliw kana ba?" Tanong nito.


"Hindi." Matapat na sagot ko. "In fact, sa tingin ko panga ay ikaw na ang nababaliw saating dalawa. Ano bang napala mo matapos mong makaupo sa trono? Hindi ba't wala ka naman nakuhang kahit na anong premyo bukod sa pamumuno sa mga nilalang na napilitan lang pumanig sayo dala ng matinding takot?" Tanong ko dito.


"Dallas, namumuno ako hindi dahil gusto ko lang kung hindi dahil ito naman talaga ang marapat kong makuha buhat ng isilang ako na hindi ipinagkaloob saakin ng ating ama ng dahil lang sa pagkasilang ng Dirk na ya—"


Mabilis pa sa alas-cuatro na hinawakan ko ang braso nito kasunod ng malakas na pag gamit ko sa Zeus Eye ko kung saan ipinakita ko dito ang totoong nangyari na kailan ko lang din tinignan at nalaman.


Kaya ko naman ipakita dito ang nakaraan dahil hindi yun hinaharangan ni Desmond. Tanging future lang kasi ang hinaharangan nitong makita ko sa Zeus Eye ko na siyang dahilan kung bakit magagawa kong mapakita dito ang dapat kong ipakita.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon