Chapter 49

62 15 7
                                    




Samarah Liger POV


Malungkot na hinihimas ko ngayon ang buhok ni Arthemis habang mahimbing ito na natutulog sa tabi ko.


Ako na mismo ang humiling dito na tabihan ako sa pagtulog para sa huling araw na mananatili ito saaming piling.


Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nitong lumisan at bumalik sa mundong hindi naman ito minahal kailan man subalit batid ko rin na hindi ko na ito mapipigilan pa kailan man.


Tulad ng sinabi ko noon dito ay alam kong may sarili itong mundo't buhay na kailanman ay hindi ko maaaring mapanghimasukan.


Anak ko...


Marahang hinagkan ko muna ang noo nito bago ako bumangon at iwanan ito sandali para tignan ang kalagayan ni Granddad na halos sumama ang loob kanina sa ginawang pagpapaalam na yun ni Arthemis.


Pagbaba na pagbaba ko palang nga ay nakita ko na agad ang malungkot na pagmumukha ng aming pamilya.


"Kung balak lang din naman pala niyang umalis simula't sapul na dumating pa siya dito ay bakit kailangan pa niyang umuwi? Dapat ay hindi nalang siya nagpakita saatin." Masama ang loob na wika ni Papa.


"Ano kaba naman, Ruzio!" Saway dito ni Mommy. "Hindi kaba natutuwa na kahit sa kaunting panahon man lang ay nakasama natin ang apo mo?" Tanong nito.


"Eh syempre at natutuwa pero kung iiwanan lang din naman pala niya tayo'y hindi na sana siya umuwi pa." Masama ang loob na sagot nito.


"Maaari pa rin naman natin siyang tawagan o kamustahin paminsan-minsan diba?" Si Arzella. "Isa pa, sa isang taon na mayroon tayo dito ay sampung taon na agad ang lilipas sa mundong yun. Malay natin? Mag bago nanaman ang isip ni Ate Arth at maisipan nanamang bumalik dito." Bigay nito ng pag-asa saamin.


"Bingi kaba, Arzella?" Matalim na tanong dito ni Artemisia. "Sinabi nanga niya saatin kanina na hindi na siya makakabalik pa hindi ba?" Paalala nito.


Buhat dun ay nakaramdam nanaman ako ng labis na kaba saaking dibdib lalo na't nitong mga nakaraang araw ay dumadalas nanaman ang panaginip ko kung saan nga'y palagi ko itong hinahanap sa tuwing tinatawag ako nito para lang madatnan itong duguan sa bisig ng isang lalake.


"Bakit ba kasi kailangan niya pang lumisan..." Si Ate Pippa.


"Ang batang yun talaga." Si Kuya Jean. "Mabuti pa sigurong hindi nalang niya nakilala si Derit. Buhat ng magkita silang dalawa ay doon na nagsimula ang pagbabago niya." Dugtong nito.


"Sinabi ko na kasi sainyong demonyo ang Derit na yan!" Singit ni Auntie Rusing na hindi nalang pinansin ng lahat.


"Dreyd..." Tawag ko sa manugang ko kay Arzella na kapatid ni Dallas sa ama't kanina pa tila balisa sa nangyayari. "May ideya kaba kung bakit ito ang gustong mangyari ni Dallas?" Tanong ko dito.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon