Chapter 11

80 12 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


"I-Ito na po yung pang measurement, Ms. Arth." Abot saakin ni Adira. "Mr. Garrison, are you sure na okay lang sainyo na si Ms. Arth ang gumawa nito?" Paninigurado nito sa talipandas na customer slash jowa ng kapatid ko.


"Sa tingin ko, he can wait Artemisia naman eh. Kaya hindi ko na kailangang ituloy pa ang kalokohan—este itong pagsusukat na ito." Mabilis na gatong ko sa tanong ni Adira.


"I insist." Mabilis na wika ni Garrison ng tila matunugan nito ang pag-iwas ko na dito.


Tang ina!


Dapat pala pinatapos ko na muna si Adira kanina sa sinasabi niya about sa pangalan ng customer!


Napaka padalos-dalos mo talagang, Dallas ka!


Naiiling na anas ko sa isip.


"Ayan naman po pala, Ms. Arth!" Tila nakahinga ng maluwag na wika ni Adira. "Maiwan ko na muna po kayong dalawa dito habang nagsusukat. Pag tapos na kayo ay tyaka mo nalang ibigay saakin ang measurement para matahi ko na ang gusto ni Mr. Garrison na suit—"


"Can you make a suit also, Arthemis?" Putol ni Derit sa sinasabi ni Adira.


Mabilis na napalingon tuloy ako dito mula kay Adira sukat sa tanong nito na yun!


Bakit parang interesado pa itong mag pagawa saakin ng suit sa lagay na yan!?


At teka!?


Ano ako at hilo para gawan siya!?


Kahit marunong ako gumawa 'non na natutunan ko sa tagal ng panahon na pagbisita-bisita ko dito sa A' Fashion nila Mishi ay hindi ko yun aaminin.


"Hindi eh." Mabilis na sagot ko.


"Sayang naman." May himig ng paghihinayang na wika nito habang titig na titig pa rin sa mga mata ko na animo'y gusto nito akong tunawin sa pamamagitan nun.


Mabilis tuloy na nag-iwas ako ng tingin at tumingin kay Adira.


"Labas kana ng matapos na ito." Utos ko dito.


"Okay." Mabilis na pagpayag nito.


Yun lang at kaming dalawa nalang ni Garrison ang naiwan sa bahagyang masikip na measurement room na ito.


Correction!


Hindi naman talaga ganun kasikip ang fitting room ng A' Fashion!

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon