Chapter 17

77 12 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


"Sigurado kana ba?" Si Mommita.


"Yup!" Mabilis na sagot ko. "Kailangang-kailangan ngayon ng Shadowfell ang presensya ko dahil nagkukulang kami sa—sa mga supplies! Oo tama, kulang kami sa mga supplies at ako lang ang may tanging nilalang na nakakaalam kung papaano imamanage yun." Pagsisinungaling ko.


"I don't think so." Singit ni Kuya Dreyd. "Hindi naman siguro ganun Katanga sila Sagfar para kailanganin pa ang presensya mo." Dugtong nito.


"Ah basta!" Mariing sagot ko. "Wala ng makapipigil pa sainyo na mapaalis ako sa mundo natin. Babalik din naman agad ako pag naayos ko na ang mga dapat ayusin kaya huwag niyo na akong pigilan." Dugtong ko.


"She's unstoppable." Kibit balikat na wika ni Mishi kila Mommita na pinapanood lamang ako sa ginagawa kong pag e-empake knowing ang katotohanan na naiipit lang talaga ako ngayon sa sitwasyon dahil sa kagagahan ko kay Deceros.


"Hindi ba't masyado naman yatang biglaan?" Nag-aalalang tanong ulit ni Mommita.


"Nope! Relax lang kayo dahil kaya ko naman na ang sarili ko. Mas matanda panga ako sainyong lahat kung tutuusin dahil sa year gap ng Novaliz at Eos." Biro ko pa sa mga ito.


"Paano naman kami magiging kampante nito tulad ng gusto mong mangyari eh aalis kana lang saamin na parang ganun nalang. Tapos hindi namin alam kung magiging okay ka lang sa mundong yun na nagpahirap sayo ng labis noon." Si Granddad.


"Oo nga naman, Ate Arth!" Si Zellie. "Isa pa, hindi ba't sakitin ka pa masyado para bumiyahe o bumalik sa mundong nakakatakot na yan?" Tanong nito.


"Please... stay here with us, Tita Arth!" Umiiyak na pakiusap at yakap nila Dreydent sa baywang ko.


"Mahirap talagang unawain yang malditang yan eh. Hindi mo alam kung ano ang mga pumapasok sa kukote lalo't obvious naman na kasinungalingan ang rason niya." Si Artemisia na talaga namang pinangangatawanan ang pagpapanggap nito. "May sarili ka talagang mundo na hayf ka!" Dugtong pa nito.


Ang dahilan na ito ang siyang napagkasunduan naming idahilan sa huli ni Mishi. Naisip kasi namin pareho na baka maging marumi ang imahe ko sa pamilya once they found out na kay Derit ako nito ipadadala na jowa nga nito diba?


"Aalis na po ako." Paalam ko sa mga ito sa halip na sagutin ang mga tanong nila.


Sa lakas yata ng iyakan ng mga pamangkin ko ay halos mamingi na ako.


Agad naman itong kinuha ni Zellie na mommy nila para patahanin.


"Unbelievable." Tanging nasambit kuno nalang ni Misha.


"Baka mamiss ka nanaman ni Muggie Mama!?" Si Granddad.


Ang paboritong inahing baka ko ang tinutukoy nito na sinuotan ko pa talaga ng espesyal na hikaw para maging immortal at maging exempted sa mga kinakatay na baka nila Granddad sa farm.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon