Chapter 32

69 15 10
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


"Ayan, diyan! diyan! naririyan yung ipis!!" Takot na takot na wika ni Tyma.


"Eto nanga saglit at dinadakot ko na!" Pikon na usal ko.


Maskina yung iba pang mga saleslady dito ay takot na takot ngayon. Animo'y ahas ang nakikita eh ipis lang naman? Tuloy, ako lang ang todo subsob ngayon sa sahig para dakutin ang ipis na nagtatago sa ilalim ng mga shoes shelves dito.


Hirap na hirap akong abutin ang ipis dahil masyadong malayo ang kinaroroonan nito. Kaya ganun nalang ang pagkagulat ko ng biglang masunog ito.


Mabilis na tumingala ako para lang makita si Dirk na nakatingin saakin.


Natitiyak ko na ito ang pumatay sa ipis sa pamamagitan ng kapangyarihan nito!



Siguro binigyan ito ng karapatan ni Riyo Morie na gumamit ng magic.


Naniningkit ang mga mata na teorya ko sa isip.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makatayo na ako sa wakas.


Dallas, don't look at him.


Baka hindi muna siya magawang iwanan niyan sige ka!


Paalala ko sa isip.


Itong araw kasing ito na ang last day ko sa trabaho bilang sales lady. Umalis na rin ako sa university na pinag-aaralan ko para sa second course ko at nag desisyon na bumalik nalang ulit sa farm para manirahan muli ng tahimik dun like the old days.


At kung sakali man na sundan pa rin ako dun ni Dirk ay baka mapilitan na akong umuwi nalang ulit sa Wolveroz kung saan natitiyak kong hindi na ako nito guguluhin pa.


"Sinabi ko naman sayo na babalik ako ngayon dito, hindi ba?" Balik tanong nito.


Oo sinabi mo nga?


Pero nung nakaraan pa yun!


Ilang araw na ang lumipas buhat ng hindi ka magpakita dito 'noh!


Pagtatama ko sa isip ng matigilan muli ako matapos kong maisip ang napag-usapan namin ni Mrs. Riyo Morie kamakailan lang.


"Hindi ka basta-basta pwedeng bumalik dito lalo't kung wala ka naman bibilin." Masungit na sagot ko dito para sana ma-offend ito.


"Sinong may sabi na wala akong bibilin?" Tanong nito sabay tingin sa mga sapatos na naka-display sa shelves. "Gusto ko sanang bumili ng lahat ng pares ng mga yan kaso mawawalan ako ng dahilan para bumalik-balik dito." Dugtong nito.


"Ayiiiie..." Tuksuhan ng mga kasamahan ko dito na walang idea na last day ko na sa trabaho.


Si Mrs. Sabella lamang ang nakakaalam ng katotohanan kaya naman mabilis ako nitong naunawaan sa gusto kong mangyari.


"At bakit naman kasi kailangan mo pang bumalik-balik dito?" Tanong ko dito kahit parang alam ko na naman na ang sagot.


Sa halip na tignan ito ay nagkunwari akong inaayos ang mga sapatos sa shelves nila.


"Para makita ka araw-araw." Sagot nito.


Kumislot ata ang puso ko sa sinabi nitong yun pero it's too early to celebrate...


Or should I say, wala naman talaga dapat i-celebrate.


Pagtatama ko sa isip.


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon