Chapter 9

73 12 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


"Wala sa mood si Tita Arth!" Tanggol agad ni Dulter para saakin.


"Kumanta kana lang po." Mungkahi ni Zeref na tila naging kalaro't kaibigan na nila Dreydent sa loob lamang ng maikling oras na pagsasama nila ngayong gabi.


"Ah eh..." Alanganing wika ni Granddad sa harapan ng mic.


Kung ako lang ang masusunod?


Gusto ko nalang lumayas sa kasiyahan at matulog na lamang o di naman kaya'y kumain nalang ng kumain sa tagong bahagi ng paligid.


Pero anong awa ang naramdaman ko bigla ng makita kong parang napapahiya na si Granddad sa harapan ng mga bisita nito ng tila ayaw nitong pilitin pa ako.


"It's alright." Sambit ko.


Napatingin saakin ang lahat.


"I'll just grant the boy's wish." Dugtong ko sabay tingin kay Zeref.


Mukhang kailangan ko rin naman ilabas ang pagkalito't pinaghalo-halong emosyon ko ngayon na hindi ko mapaliwanag sa pamamagitan ng pagkanta.


Parang robot na lumakad ako patungong gazebo kung saan naghihintay na saakin ang standing mic na para sana sa performance ni Zella.


"Are you sure, apo?" Tanong pa saakin ni Granddad pagkalapit ko.


"Just one song is enough." Sagot ko dito.


"Alright." Pagpayag nito.


Yun lang at ako nalang ang naiwan sa may gazebo sa harapan ng lahat ng mga nilalang na naririto ngayong buwiset na gabi.


Ganun pa man, nananatiling tuod pa rin ako sa kinatatayuan ko na para bang naliligaw pa rin ako sa mga nangyayari ngayon.


"Anong kanta po ang inyong kakantahin?" Tanong ng isa sa mga musikero.


Sa halip na sagutin ito ay nanatili lamang akong tahimik habang pinagmamasdan ang lahat ng mga nilalang na naririto.


Hindi ko rin maiwasan ang hindi hanapin ang kinaroroonan ni Garrison na para bang may nag uutos saaking gawin yun.


Subalit anong pagkabigo ko ngayong mahanap ito?


Hindi ko ito makita sa paligid.


Yun ay kahit nadaanan na ng paningin ko si Artemisia na kausap ngayon si Noctis na para bang mayroong pinagtatalunan ang mga ito?


"Ah eh.. parequest naman apo!" Si Granddad na tila napansin ang pagiging blanko ko. "Sway nalang! Yung paboritong kantahin din ng lola mo nung kabataan niya? Yung when marimba something ganun?" Dugtong nito.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon