Chapter 8

64 13 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


(Music Playing: André Rieu – The Emperor Waltz)


Suot ang simpleng A-Line fitted scarlet-red gown na binagayan ng tuwid na tuwid at mahaba kong buhok na inipon ko lahat sa likuran at ilang mga simpleng alahas na ginto ay talaga namang hindi mo iisipin na isang madre mula sa kumbento ang nag-ayos saakin.


"Ayan na siya." Narinig kong bulong pa ni Zellie kay Kuya Dreyd ng lumabas ako mula sa daanan naming pamilya para makapunta sa sarili naming pahabang lamesa sa kasiyahan.


Lihim na nilingon ako ng mga ito maliban kay Mommita na tila nagtatampo pa rin saakin dahil sa nagawa kong kasalanan kanina.


"Don Ruzio! Dalaga pa ba yang huli mong apo na lumabas? Aba'y baka gusto mong ireto sa mga apo namin!? Ang gaganda talaga ng mga lahi niyo ah!? Baka naman gusto mong mamahagi." Kantyawan ng mga kumpare ni Granddad na naririto.


Malakas na tawanan tuloy ang naghari sa paligid sukat sa birong sinabi ng kumpare ni Granddad na lihim kong kinainisan ng labis.


Tuloy, pumangit nanaman ang mood ko at matalim ang tingin sa pobreng matanda na umupo ako sa puwestong inilaan saakin ng pamilya ko.


Tila nahintakutan naman ang pobreng matanda at wala sa oras na naglibang na lamang sa pakikipag-usap sa iba pang mga nilalang na naririto.


"Arthemis, don't you think that you need to apologize about what happened?" Bulong saakin ni Mummy na katabi ko lang.


"Later." Wala sa mood na sagot ko.


"Attitude mo talaga, Ate Arth!" Si Zella.


"Arthemis!" Ma-awtoridad na tawag saakin ni Mummy para malamang sindakin ako at sundin na ang gusto nito.


"I said later." Mariing sagot ko at tingin dito.


Nakita kong tila natigilan ito ng tila mayroon itong naalala sa tingin at pag sagot na ginawa ko.


"Anak kanga niya." Tanging nasambit nalang nito bago ito tumayo upang layasan ako.


Tila maging ito yata ay napasama ko na ang loob ngayong gabi.


What's wrong with me!?


Naiinis na tanong ko na sa isip.


Bakit ako umaarte ng ganito ngayon?


Bakit tila sobrang sama ng ugali ko ngayong gabi?


"Ladies and Gentlemen..." Tawag ni Misha ng pansin sa lahat ng mga nilalang na naririto.


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon