Chapter 23

62 11 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


"Ayan! Ganyan po kasi gumawa ng soup, Manong!" Sermon ko sa pobreng seus chef. "Tikman niyo para malaman niyo pinaglalaban ko." Alok ko pa sa mga ito.


Kanya-kanyang tikiman naman ang ginawa nila para lang makita kong mamangha ang mga pagmumukha nila matapos nilang malasahan ang mga niluto ko.


"M-Masarap nga." Hindi makapaniwalang anas ng mga ito. "Saang culinary university ka ba graduate at ilang star kana as a chef para maging ganito kasarap ang mga gawa mo?" Tanong ng Head Chef nilang halos maubos na ang dessert na ginawa ko.


Ang tsismis pa patungkol sa head chef na ito ay tanging luto lang niya ang kinakain niya na ngayon nga'y nagawa ko nang sirain.


"Wala." Mabilis na sagot ko. "Lutong bahay lang naman ang mga ginawa ko." Dugtong ko pa.


Sukat dun ay halos makita kong mapahiya silang lahat at mahiya saakin ng labis.


"Hindi ko akalain na ang mga lutong bahay lang ang tatalo sa mga luto ko." Halos mamuti ang mata na anas ng head chef nila.



{^ ____ ^}



Over naman yung deskripsyon niyo pero keri naman!


Masayang anas ko sa isip sabay hiwa sa isang malaking steak na ginawa ko sabay pahid 'non sa sauce na ginawa ko gamit ang secret recipe na natutunan ko kay Mommita para sana subuin na yun ng matigilan at mapalingon ako ng mabilis matapos may biglang umagaw ng kamay ko at subuin yun.


"Big Boss!" Bati dito ng mga chef niya sa Dark Building.


Habang natulala naman ako ngayon dito lalo't hawak pa rin nito gamit ang dalawang kamay nito ang isang kamay ko na may hawak na tinidor kung saan ko tinuhog kanina ang kapiraso ng steak na kakainin ko nga sana pero ngayon nga'y ningunguya nito habang titig na titig saakin.


Nakakatunaw ang paraan ng pagtitig nito saakin bagama't may mali pa rin akong nakikita sa mga mata nito na pakiwari ko talaga'y iba dapat ang totoong kulay.


"Masarap po ang luto ng assistant niyo, Big Boss." Ang head chef. "Bukod po sa luto niyo nung minsan na mag luto kayo dito ay ang luto lang din niya ang nagawa kong kainin bukod syempre sa luto ko." Dugtong nito.


Nag luto din siya noon dito?


"Maskina nga luto ng asawa't mga anak ni head chef ay hindi niya kinakain!" Nagtatawanang kantyawan nilang lahat.


Mabilis na binawi ko naman ang kamay ko ng palihim kay Derit Garrison na kaninang umaga ko pa iniiwasan buhat sa nangyari nung nakaraan sa may The Bar kung saan hinagkan nanaman ako nito sa kabila ng pagiging aware nito na sila ni Mishi.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon