Chapter 21

77 11 2
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


Gustuhin ko man pigilan ang sarili ko na huwag mapangiti ngayon ay hindi ko naman yun magawa. Bigla ko nanaman kasi naalala yung ginawang pagpapasakay ni Derit saakin sa likuran ng big bike nito kung saan nilibre panga ako nito ng ice-cream saglit at hinatid pa sa bahay ko matapos kong magpanggap na masama ang pakiramdam ko.


Medyo matagal din itong nag-stay sa bahay ko nun at talagang tila gusto pa ako nito alagaan ng ako na mismo ang tumanggi lalo't nakaramdam na ako ng labis na hiya dito ganun din sa kapatid kong si Artemisia na girlfriend nito.


Pero ayoko rin naman mag mukhang walang utang na loob noh!


Kaya naman eto ako ngayon at hindi nga mapigilan ang sarili na hindi mapangiti habang dala-dala ang pinagpatong-patong na lunch-box ko o bento lunch box kung tawagin ng iba na siyang naglalaman ng pa-lunch ko kay Derit.


I pretty made sure din na pang world-class ang luto ko para naman hindi nakakahiyang ipakain sa boss kong ubod ng yaman noh!


"Ms. Jude, saan ka pupunta?" Tanong ni Bubbles saakin na nakaupo sa harapan ng office table nito sa labas ng pinto ng opisina ni Derit. "Wala pa si Big Boss sa loob at mga ten'o clock pa kung pumasok yun." Paalala nito.


"Mag t-ten na rin naman ah?" Mabilis na depensa ko. "Besides, may iche-check lang ako sa loob bilang assistant niya." Pagsisinungaling ko sabay tago sa mga dala ko para kay Derit.


"Ganun ba?" Tanong nito sabay palobo sa pink bubble gum na ningunguya nito para lang paputukin din ng kusa. "Sige, pumasok kana." Pagpayag nito sa gusto ko.


Yun lang at nagmamadaling pumasok na ako sa loob ng opisina nito para lang muling mamangha sa gandang taglay nun.


"Swerte nga si Mishi sa lalaking ito." Tumatango-tango na sambit ko. "Mayaman na eh talaga namang gwapo rin na matatawag." Dugtong ko. "Pero syempre't mas gwapo pa rin ako noh!" Pahabol ko pa.


Yun lang at lumakad na ako palapit sa malaking black mahagony desk nito na sapat lamang ang laki para ipakita kung gaano makapangyarihan ang emperador ng emperyo-emperyohan na ito.


Marahang nilapag ko sa lamesa nito ang pa-lunch ko dito ng ma-realized kong may sarili nga pala itong kusina sa opisina nito kung saan mas dapat kong ilagay ang lunch-box na nasabi para lang matigilan matapos makuha ng malawak na tanawin ng siyudad mula sa malaking salamin na dingding ng opisina nito sa likod ng lamesa nito ang paningin ko.


Wala tuloy sa oras na napabayaan ko nalang ang dala kong mga lunch box at marahang lumakad ako palapit sa dingding na salamin.


Mula dun ay talaga naman matatanaw ang kabuuan ng siyudad nito. Kitang-kita mula roon ang Novalian Express na sinakyan ko noong kasama ko sila Mishi at Zellie ng pumunta kami sa Earth ng magkakasama.


Kung ganun...


Posible kayang si Derit talaga yung nakatingin saakin nung mga oras na yun sa train?

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon