Chapter 59

59 11 1
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV



Mabilis pa sa alas-cuatro na inismiran ko ang mga sundalo ng ama ko na naghatid lang naman saakin ng mga pagkain dito sa maruming selda na gawa pa mismo ng ama ko at binase sa asylum na pinaglagian ko noon na siyang dahilan kung bakit tila isang ordinaryong nilalang lang ako dito.


"Kumain na po kayo, kamahalan." Sambit ng isa sa mga ito.


Sa halip na sagutin ay nanatiling nakaiwas lang ako ng tingin sakanila upang ipakita ang pagmamatigas ko ngayon.


"Tulad po ng hiniling niyo saamin ilang araw na ang nakakalipas ay sinubukan po naming ihingi kayo ng oras kay Prince Dirk subalit nabigo po kami." Bigay paalam ng mga ito sa proseso ng request ko.


Nanggigil na napakuyom tuloy ang mga kamay ko ng wala sa oras.


Tumatakbo ang kamay ng orasan, Dirk!


Banas na wika ko sa isip.


Si Dricol...


Nag-aalalang isip ko sa anak namin.


Kailangan masiguro ko na munang ligtas siya ngayon pero paano ko naman magagawa yun kung ayaw akong kausapin ng ama nito!?


"Kung ganun ay maaari bang sabihin niyo nalang saakin kung kamusta na si Lady Daila?" Tanong ko sa kalagayan ng isa pa nilang hostage na kasama ko't siyang huling nilalang na pinagbilinan ko sa anak ko.


"Pasensya na po subalit hindi kami maaaring mag bigay ng kahit na anumang impormasyon sainyo na walang pahintulot na nanggagaling mula sa nakatataas." Magalang na sagot naman ng isa sa mga ito.


Asar!


Galit na anas ko sa isip.


Nasaan kaya si Driscol?


Saan kaya ito iniwan ni Daila...?


Nagkita na kaya ito at ang ama nito?


Alam na kaya ni Dirk na mayroon na itong anak ngayon o nagawa pa rin itong ilihim ng kapatid ko laban sakanya na maaaring magamit nito para mabawi si Daila na siyang tanging kahinaan nito ngayon.


Fuck!


"Kung ganun, sa susunod na ihihingi niyo ako ng oras para makita ang mahal na prinsipe ay galingan niyo naman. Kailangang-kailangan lang talaga na makausap ko siya sa lalong madaling panah—"


Hindi ko na natuloy pa ang sinasabi ko ng bigla nalang may pumasok na kung sinong matabang babae sa loob.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon