Chapter 29

60 15 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


Marahang minulat ko ang aking mga mata para lamang mapapikit muli ng makita kong tatlong mukha ng magagandang babae ang masaksihan ko.


Alam ko namang gwapo ako pero bakit naman ganyan kayo kadahas mga babes!


Nanghihinang anas ko sa isip.


"Dallas?" Tawag ni Shara sa pangalan ko na isa sa tatlong babae na naririto.


"Is she okay lang ba?" Tanong ng isa pa sa mga ito.


"She should be lalo na't tila mag da-dragon na anytime yung Devils King sa labas. Kung magkataon ay hindi ko na alam kung hanggang kailan pa siya mapipigilan ng asawa kong si Gladys at ni Shin na asawa mo, Trivana." Sabat pa ng isa.


Trivana?


Her name sounds familiar...


"Pambihira ka naman, Violeta!" Si Trivana. "Ang mabuti pa ay lumabas nalang din tayo dun at samahan ang mga asawa nating pigilan si Dirk na mag wala hanggan't makakaya natin. Sa tingin ko, hindi kakayanin ni Dallas ang galit ng asawa nito lalo't tila nanghihina pa siya ngayon." Dugtong nito.


Galit saakin ng asawa ko!?


Pikit matang tanong ko sa isip.


"Pambihira naman kayo! Mas lalo niyo lang pinanghihina si Dallas niyan eh." Si Shara. "Ang mabuti pa umalis na kayo dito at iwanan kaming dalawa. Ako lang naman ang may kayang unawain si Dallas kaya alis na!" Pag papalayas nito sa mga kausap nito.


"Hoy, Shara! Kung makapagpalayas ka sa hipag mo parang bahay mo ito ah? Baka nakakalimutan mong bahay nila ito ng kuya mo— "


"Wala akong pakialam!" Putol ni Shara sa sasabihin sana ni Violeta. "Ang mahalaga lang saakin ay malaman ang kalagayan ni Dallas kaya umalis na kayo! Alis! Alis sabi!" Pag papalayas nanaman nito.


"Ay hindi mo naman kami kailangan itulak, Shara." Mainahong anas ni Trivana.


Yun lang ang huli kong narinig bago isara ni Shara ng malakas ang pintuan para i-locked din yun kasama ko dito sa loob ng silid sa bahay nila Shin.


"Wala na sila, Dallas." Anunsyo nito. "Pwede kana ulit dumilat." Dugtong pa nito sabay upo sa paanan ko sa kama.


Mabilis pa sa alas-cuatro na napabalikwas ako ng bangon sukat dun!


Walang kahiya-hiya din na nag tanggal ako ng dumi sa mukha sa harapan nito dahil best friend ko naman itong matuturing.


"Anong nangyari!? Bakit ako nandito?" Tanong ko dito.


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon