Chapter 68

68 15 3
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV



Hihilutin ko na sana ang ulo ni Dirk ng mabilis pa sa alas-cuatro na iniwas nito ang ulo nito saakin.


Yun ay kahit halata naman na kanina pa nito iniinda ang sakit ng ulo nito magmula ng bumiyahe kami lulan ng magkaibang kabayo.


"Kaya ko ang sarili ko." Malamig ang boses na wika nito.


Pinigilan ko naman masaktan sa ginawa nitong yun lalo't wala naman akong karapatan na masaktan sa mga ginagawa nito.


After all?


Ito naman talaga ang gusto kong mangyari para hindi na rin ito masaktan sa oras na mawala na ako sa piling nila ni Driscol.


"Kung gusto mo bukas nalang natin ipagpatuloy ang paglalakbay natin at magpahinga nalang tayo dito hanggang sa bumuti na ang pakiramdam mo?" Suhestiyon ko nalang dito.


"Ako ang masusunod sa kung ano ang dapat gawin sa hindi, Dallas." Wika nito na talaga namang sinadya pa na may diin sa pangalan ko.


Natigilan tuloy ako.


Ano bang problema nito...?


Para naman sa ikabubuti nito ang gusto ko ah!?


Nakasimangot na wika ko sa isip ng mawala agad ang inis ko dito't mabilis itong alalayan ng kamuntikan na itong matumba.


"Ingat ka!" Nag-aalalang wika ko pagkasalo dito.


Marahas naman na tinulak ako nito na animo'y ayaw nitong hinahawakan ko ito tulad ng mga nauna nitong reaksyon.


"Fine." Mariing sambit nito. "Bukas nalang tayo umalis at mukhang kailangan ko nga yatang magpahinga na muna kahit sandali." Dugtong pa nito.


"Good choice." Sangayon ko. "Ako na muna ang magluluto't magpahinga kana lang diyan." Dugtong ko pa.


Kasunod nun ay kinuha ko na ang bag ko sa bulsa ko sa may bahaging dibdib na hindi naman nakatakas sa matalim nitong mga mata.


"What!?" Bulalas ko ng hindi man lang ito mailang kahit alam naman nitong nakikita ko na ito ngayon. "Ngayon kalang ba nakakita ng babaeng may bulsa sa may bahaging dibdib?" Tanong ko dito.


"Of course not." Mabilis naman na sagot nito. "Sa dami ng mga naging babae ko mula sa iba't ibang panig ng kalawakan ay wala na saakin yan." Dugtong pa nito.


Sukat dun ay hindi ko naman napigilan ang hindi mainis at magselos sa sinabi nito!


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon