Chapter 37

65 13 2
                                    




Dirk Izunia Salvatorie POV



"Hinde ko nga alam anong nangyayare sa batang ya-an ehhh." Narinig kong sagot ni Nanay Martha kila Gladys. "Buhat ng umuwe yan mula Eos ay hinde nanamin nakakausap pa ng maayos. Ang Mama lamang niya ang tila nakakaalam sa kung anuman ang nangyayare na hinde din naman namin matanong dahil alam nyo naman siguro kundisyon niya ngay-on." Dugtong nito.


"Ilang araw na din po kasi siyang hindi pumapasok sa Dark kaya medyo nakaramdam na kami ng pag-aalala sakanya." Singit ni Shin.


"Aiy! Sino ba naman ang hinde mag-aalala sa mga kinikilos niya gayong maskina yata ako ay aatakihin na sa puso sakanya dahil nga hindi ko mawari ano bang pinoproblema niya." Sangayon ni Nanay Martha.


Mahabang katahimikan ang naghari sakanila matapos kong maramdaman na tila lahat sila ngayon ay abalang pinagmamasdan kami ni Mama na tahimik na kumakain ngayon dito sa hardin.


Mahigpit kong ipinagbilin kanina na ayoko muna ng kausap na siyang dahilan marahil kung bakit hindi na ako nilapitan pa ng mga ito sa kabila ng labis na pag-aalala nila patungkol sa hindi ko pagpaparamdam sakanila ilang araw na ang nakalipas.


~"A time for us... someday there'll be... when chains are torn by courage born of a love that's free..."


Halos matigilan at huminto yata ang tibok ng puso ko saglit ng marinig ko ang napakagandang tinig ni Mama sa muling pagkakataon buhat ng dalin ko ito dito at tuluyan na itong takasan ng katinuan niya.


Dahan-dahan kong inangat ang aking paningin dito mula sa pagkain ko para lamang salubungin ang mga mata nitong malayo man ang tingin ay tila masaya ang mga yun.


~"A time when dreams so long denied can flourish... as we unveil the love we now must hide. A time for us, at last to see... a life worthwhile for you and me..."


Pagpapatuloy nito sa kantang paborito ng mga magulang nito sa paraang nakakadurog lang lalo sa puso ko ngayon.


~"And with our love, through tears and thorns... we will endure as we pass surely through every storm. A time for us, some day there'll be a new world... a world of shining hope for you and me... a time for us, at last to see... a life worthwhile for you and me..."


Mula sa pagkakasandal sa balikat nito ay marahang inangat ko ang aking mukha upang titigan ito ng mabuti sa mata. Basang-basa pa rin ng mga luha ang aking mata't mukha subalit sa halip na makaramdam ng pandidiri ay tila mas lumambot lamang ang ekspresyon nito ngayon para saakin.


Anong pagkagulat ko panga ng marahang kinuha nito ang panyo sa bulsa at walang pag aalinlangan na pinunasan ang basa sa luha kong mukha't mga mata.


Ano 'to?


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon