Chapter 26

69 12 1
                                    



Dirk Izunia Salvatorie POV


"Hello, Draken." Nakangising bati ko sa pinsan kong likas na ang matinding galit saakin dala ng labis na inggit.


Mabilis pa sa alas-cuatro na napalingon ito para lang ngisian din ako ng demonyo na tila ba expected na nito ang pag dating ko.


"Talaga palang iba na ang lakas ng loob mo, Dirk." Naiiling bagama't nakangisi pa rin na wika nito.


"Hindi ba ako invited ngayong araw?" Pangmo-mocked na tanong ko dito.


"Syempre naman at invited na invited ka sa kasalan ko." Nakangiting sagot nito. "In fact ay may hinanda panga ako sayong engrandeng pagsalubong." Dugtong pa nito.


Yun lang at biglang lumabas ang hindi mabilang sa dami nitong mga alagad sa paligid para lang tutukan ako ng patalim.


"Prince Dirk Izunia Salvatorie..." Narinig kong tawag saakin ng kung sino.


"Lord Leonard Fleuzet..." Tawag ko din sa buo't mabahong pangalan nito habang hindi man lang inaalis ang ngiti sa mga labi ko.


"What a pleasant surprise! Hindi naman kami nasabihan na pupunta ka pala ngayong araw sa bansang pinamumunuan ko." Natatawang anas ni Leonard.


Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapangisi lalo.


"Baka naman ang ibig mong sabihin ay pinamumunuan na sana ng uncle mo't mga pinsan mo bago niyo sila salakayin at agawan muli ng titulo." Kibit balikat na pagtatama ko dito.


"Ganun na rin yun, kamahalan!" Sarkasmong sagot nito. "I just reclaimed my supposed to be title before you killed my father. Natural lang naman na gawin ko yun para naman hindi ako maging kahiya-hiya sa future wife kong si Dallas." Dugtong nito.


Sukat dun ay bahagyang tumalim ang mga mata ko ng saglit bagama't sapat na ang bilis nun para makita ni Draken.


"Talaga bang kasal ko lang ang ipinunta mo dito, Dirk?" Singit na nito bagama't tila natuwa ito sa inis na gumuhit sa mga mata ko kanina.


"Actually, wala na sana akong balak pa na bumalik sa walang kwentang mundo na ito partikular na sa salot na kontinenteng ito kung hindi lang dahil sa kasalan mo at sa mga garapatang nais ipatiris saakin ng Uncle Niros kong tila hindi alam ang salitang digmaan sa ilalim ng kanyang pamumuno." Simpleng sagot ko.


"Napakapayapa kasi ng Uncle Niros mo buhat ng tumanda kaya tila nangangalawang na." Natatawang tuya ni Draken sa Uncle Niros kong handa na sanang mag hamok ng digmaan matapos niyang malaman na dito nagkuta si Draken na pinalayas ni Diland sa Wolveroz kasama ng mga tauhan nito kung hindi ko lamang ito pinigilan.


Ayoko naman kasi na maraming sundalo ng Solteroz ang madamay sa labanan lalo't hindi basta-basta ang makakaharap nila.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon