Chapter 30

67 12 0
                                    



Dirk Izunia Salvatorie POV


"You're my favorite person, Dirk." Wika ni Riyo Morie matapos nitong uminom ng tsaa mula sa tasa nito dito sa isa sa mga bahay nila ni Seichen na matatagpuan sa Japan.


Marahang tinitigan ko ito ngayon mula sa pagkakaupo ko na mala hapon sa mababang lamesa nito.


"I like your father also..." Wika nanaman nito. "Such a good man with a bad history and strength that no one could surpassed but you." Puri nito sa ama ko na dati nito naging kaibigan at kasamahan sa trabaho bilang founder ng The Circle. "Don't take me wrong, My Dear... Alam natin pareho na hindi ko binigay ang posisyong kinatatayuan mo ngayon sa mundo ko dahil lamang anak ka ng tatay mo. Pinaghirapan mo kung anuman ang kinaroroonan mo ngayon na siyang dahilan kung bakit kita naging paborito." Mahabang dugtong nito.


"With that, I'm so grateful and will be forever in debt to you." Seryosong sagot ko.


Tumango-tango ito ng marahan kasunod ng muling pag inom nito ng tsaa nito at lapag nun muli sa lamesa.


"I know..." Sagot nito. "Pero alam mo naman siguro ang batas na pinanukala ko, Derit. Hindi ko maaaring baliin ng ganun-ganun nalang ang batas na kami pa mismo ng ama mo ang gumawa noon." Dugtong nito.


Lihim na napakuyom ang mga kamao ko na nakapatong sa magkabilang hita ko sa ilalim ng lamesa nito sukat sa sinabi nitong yun.


"Pinatay ng asawa mo si Mr. Nakamura na bagama't basura lamang sa samahan natin ay miyembro pa rin natin. Buhat sa ginawa niyang yun ay marami sa samahan natin ang nawalan na ng tiwala sayo. Alam naman siguro natin kung ano ang kahihinatnan nito, hindi ba?" Tanong nito saakin habang tuwid na nakatingin sa mga mata ko.


"Kukunin mo lahat ng mga pinaghirapan ko?" Hula ko sa kaparusahan ko.


"Yan sana ang gusto nilang mangyari lalo't maaari nilang paghati-hatian ang mga ari-arian mo pero tumutol ako. After all? Tanging pang simula ng assassin business mo lamang at proteksyon mula sa gobyerno ang natulong ng samahan natin sayo. Ikaw na halos ang nagpaunlad sa sarili mo sa iba't ibang uri ng mga negosyo na pinasikat mo sa loob at labas ng mundo't kalawakang ito." Sagot nito.


"Kung ganun ano ang magiging kaparusahan ko?" Walang emosyong tanong ko.


"Sa ngayon, wala pa kaming final decision para sa kaparusahan niyong mag-asawa." Sagot nito.


Tumalim tuloy ang mga mata ko buhat sa sinabi nito.


Sinasabi ko nanga ba't idadamay nila si Dallas...


Naiiling na anas ko sa isip.


"Kaya naman maaari ka pang makahinga ng maluwag sa ngayon. But don't worry. I'll try my best to protect you as my favorite friend. Hindi mo naman siguro mamasamain kung may gawin ako sa asawa mo 'noh? Siguro iba-banned ko nalang siya sa mundong ito after magkaroon ng final decision." Suggest nito.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon