Chapter 54

47 13 0
                                    




Diana Ezia Salvatorie POV


Nakatulalang pinagmamasdan ko ang malawak kong hardin kung saan masaya kong nakikita na naglalaro ngayon si Desha.


Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang wala dito ang anak ko gayong nakikita ko ito ngayon sa harapan ko na masayang nilalaro ang mga bulaklak na itinanim ko noon.


"Lady Diana..." Tawag saakin ni Martina na hindi ko man lang magawang pansinin dahil sa pagiging abala ko sa panonood ko saaking anak ngayon.


"Nako, Nanay... Hayaan nalang po muna natin si Lady Diana na mapag-isa. Hindi po ba't binilin naman ng doktor niya na minsan ay bigyan din natin siya ng panahon na makapag-isa kahit sandali? Siguro naman po't walang kahit na anong masama ang mangyayari sakanya dito kung gagawin natin yun lalo't protektado naman po ni Prince Dirk ang lugar na ito." Suhestiyon dito ng isa sa mga anak niya.


"Ay nako... Eh nag-aalala akong alisan siya ng tingin lalo't pinakiusapan pa akong mabuti ni Derk na pakabantayan siyang mabuti." Tutol ng ina nito.


"Nako... Huwag na kayo masyadong mag-alala sakanya, Nanay Martha. Mukhang maganda naman po ang mood ngayon ni Lady Diana kaya natitiyak ko pong wala siyang gagawin na masama ngayon." Suhestiyon pa rin ng anak nito.


~"Mama..."


Nakangiting tawag saakin ni Desha na siyang dahilan kung bakit napangiti nalang din ako.


"Eh kung sabagay? Sige nanga't iwanan nalang muna natin siya sandali. Pero huwag din tayo masyadong lalayo sakanya at baka biglang mag bago ang mood niya." Payag na sa wakas ni Martina.


~"Mama, tignan mo! Ang dami ko pong dala-dalang mga rosas oh!"


Pagmamalaki saakin ni Desha sa mga napitas niyang bulaklak na agad din naman nitong inabot saakin.


"Ang gaganda nila." Masayang puri ko sa mga yun.


~"Oo nga po eh!"


Masayang sagot nito sabay linga-linga sa paligid at hinga ng maluwag.


~"Mama! Wala na sila sa wakas!"


Bigay paalam nito na siyang dahilan kung bakit napalinga-linga din tuloy ako para lang matigilan at makitang wala nanga naman na sila Martina sa paligid.


~"Tamang-tama at masasama na po pala kita dun sa secret garden malapit sa beach!"


Napatingin ako dito.


"Secret garden malapit sa beach?" Kunot noong tanong ko.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon