Chapter 10

74 12 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


"Makasarili! Walang modo! Bastos at salbahe!" Galit na wika ni Granddad. "Ganyan ba kung magpalaki ng anak si Diland!?" Tanong nito.


"Huwag mong ilahat, Ruzio! Anak din naman ni Diland si Dreyd." Pagpapainahon dito ni Mommita.


"Sinasabi ko sayo, Arth! Pag may nangyaring hindi maganda sa anak ni Zella ay malilintikan ka talaga saakin!" Si Mummy.


"For heaven's sake!" Si Auntie Rusing.


Habang nananatili namang tahimik bagama't masama ang tingin saakin nila Uncle Jean na halatang dismiyadong-dismiyado sa ginawa kong supposedly ay kalokohan lang naman talaga dapat.


"Anong klaseng matandang babae ang maglalaro ng tae!?" Galit na tanong pa rin ni Granddad. "Kung sa Novaliz siya halos namalagi, lumalabas na halos matanda pa siya saatin Rosien pero ano!? Kung umakto akala mo apat na taon o mababa pa!" Galit na dugtong pa rin nito.


Mabait si Granddad, oo!


Pero pag nagalit?


Magtago kana sa impyerno!


"You better explain your reason to us after this, Dallas Arthemis!" Si Mommita.


Sabihin ng ma-attitude o masama ang ugali pero mas pinili ko nalang tumayo at layasan sila para mapahinga na ang bunganga nila kasesermon at ang tainga ko sa kakakinig nun.


Siguro, nasobrahan lang talaga ako sa ginawa kong prank...


Lalabas na sana ako sa bahay namin ng biglang bumukas ang pintuan na siyang dadaanan ko dapat at iluwa nun sila Artemisia, Zella, Kuya Dreyd at Derit...


"Arzella!" Nagmamadaling lapit ng lahat papunta dito.


Halos matabig nanga ako sa kamamadali nilang lahat para matignan ang kapatid kong hindi ko naman sinasadya na mag delikado.


"She's okay, Mommita." Si Artemisia. "Dinugo lang daw sabi ng doktor at natural lang daw naman yun sa mga buntis na masyadong nagiging emosyunal." Dugtong nito.


"Aakyat na po kami sa taas para makapagpahinga." Si Kuya Dreyd na tinignan pa ako ng masama bago alalayan ang asawa sa taas.


"Oh siya, ipagluluto ko na muna siya ng makakain niya." Si Mommita.


"Mabuti panga!" Si Mummy.


"After all, hindi nanatin maaring kainin ang mga masasarap na pagkaing niluto ng Mommita niyo kanina matapos nun matalsikan ng lintik na tae ng baka!" Si Granddad.


"Tae ng baka sa lamesa!? For heaven's sake!" Si Auntie Rusing.


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon