Chapter 75

90 16 2
                                    






Dirk Izunia Salvatorie POV



"Sweet dreams, Driscol... sweet dreams, Dirk..." Malungkot na bulong ni Dallas saamin ni Driscol kasunod ng marahang paghalik nito sa mga noo namin ng isipin malamang nito na maging ako'y nahihimbing ngayon sa pagkatulog.



Ang hindi lang nito alam ay halos tumalim panga ang mata ko't mabilis na bumangon ako para tignan ito ng palihim mula sa balkonahe ng aming silid habang umaalis.



"Hinding-hindi na ulit ako mawawalan ng mga minamahal sa buhay, Dallas." Seryosong pangako ko. "Hinding-hindi na." Dugtong ko pa.



"Ito naman si Mommita!" Masayang pakilala ni Dreydent kay Driscol sa pamilya ni Dallas na talaga namang walang anu-anong tumungo na dito matapos nilang malaman na naririto ang anak namin ni Dallas.



"Kamusta kayoooo? Ako po si Driscol Izuland Salvatorie..." Magiliw na pakilala naman ng anak kong ubod sa pagkabibo sa pamilya ng mama niya't pamilya na rin naming matatawag sa kabila ng mga nagawa kong pagsisinungaling sa mga ito.



"Grabe! Ang laki talaga ng pagkakahawig niya sayo, Deri—Dirk!" Natatawang sambit nalang ni Granddad ng muntikan nanaman itong magkamali sa totoong pangalan ko.



Marahang ningitian ko nalang ito bilang tugon kasunod ng pagtingin muli sa anak ko para pag-aralan mabuti ang mga susunod na hakbang na gagawin ko.



Ngayong alam ko nang may anak na kami ni Dallas ay pakiramdam ko tulad ng ina nito'y nagkaroon na din ako ng ikalawa pang kahinaan.



Ang una'y ang ina nito at ito naman ang pangalawa na siyang pinag-aalala kong mawala pa saakin ngayon.



Of course not, Dirk...


Sambit ko sa isip.



Wala ng mawawala pa sayo na kahit na sino.



Dugtong ko pa.



"Dirk..." Tawag ni Artemisia sa atensyon ko na siyang dahilan naman kung bakit mabilis na napatingin ako dito't nagising mula sa malalim kong pag-iisip.



"Maaari ba tayong mag-usap?" Tanong nito.



"Bakit sa tuwing gusto mong makipag-usap ay nararamdaman kong hindi maganda ang pag-uusapan nating dalawa?" Birong tanong ko dito.



Natawa naman ito buhat dun bagama't alam kong nananatiling seryoso pa rin ito ngayon lalo't hindi naman kaila dito ang mga problemang kinahaharap namin.



Lihim na sinenyasan ko nalang ito na sumunod saakin sa study office ko para dun mas makausap ng masinsinan ngayon.



"Tatanungin mo ba saakin kung bakit ko kayo pinagbabakasyon muna dito para mag spent ng New Year kasama ng anak namin ni Dallas?" Natatawang biro at tanong ko dito kasabay ng pagsasalin ko ng alak sa dalawang baso.



"Listen, Dirk..." Seryosong sagot nito na siyang dahilan kung bakit tumigil na ako sa pagbibirong ginagawa ko dito. "Mukha lang kaming okay but we knew that there is something wrong with you, with Dreyd, and mostly with Dallas. Mahirap saamin nila Mummy ang mag mukhang tanga sa mga nangyayari habang kayo naman ay nagpapakabayani sa mundo niyo. Tell me, Dirk? Saakin mo nalang sabihin ang hindi mo masabi kila Mommita't gusto naming malaman mula sayo. Kayo bang tatlo'y makakasama pa naming muli!?" Tanong nito sa pinaka seryosong ekspresyon na yatang nakita ko dito.




The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon