Chapter 38

62 16 0
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV


"Hanggang ngayon hindi parin namin alam kung ano ang pinag-awayan nila ni Derit pero natutuwa pa rin ako na mukhang sa halip na mas sumama ang pakiramdam niya ay tila ba mas bumubuti na ang lagay niya bagama't tila palagi pa rin siyang malata dala ng labis niyang pangungulila marahil kay Derit." Kwento ni Mummy Samarah kay Uncle Cor dito sa dati nilang bahay sa Insomnia.


Dahil sa labis na kalungkutan na nararamdaman ko sa farm ay ako na mismo ang nagnais sumama kay Mummy na bisitahin si Uncle Cor na kapatid ni Daddy Connor sa Insomnia.


Dito kasi nito napiling manatili kasama pa ng ibang mga dating Lucian soldiers tulad nila Gorez na nakasama't nakausap ko na kanina.


Kung inyong natatandaan, si Gorez yung pinagbabaril ko nung bata pa ako't hanapin ako ni Mishi sa istorya niyang The Lucian Prince.


Oh palatastas lang ng kaunti!


Naging malapit ako dito ng labis or should I say ako lang ang nag a-assumed nun since wala naman akong natatandaan na may nagawa akong matino sa pobreng si Gorez.


Palagi ko itong binubully noon habang on duty siya sa trabaho at naisin ko man na asarin ulit siya kanina ay hindi ko yun magawa dala ng matinding kahugkagan na nararamdaman ko ngayon.


"Ayos lang ba talaga siya?" May himig ng pag-aalala sa boses ni Uncle Cor ng tanungin yun ulit kay Mummy.


"Sa tingin ko hindi." Tapat na sagot ni Mummy. "Tulad nga ng sinabi ko ay bumuti man ang lagay ng pakiramdam niya ay ang puso naman niya ang siyang nasasaktan ng labis ngayon." Dugtong nito.


Matagal na katahimikan ang namunini sa paligid bago ako napabuntong hininga at lumingon na sa mga ito.


"Uncle Cor..." Tawag ko dito.


"Ano yun?" Mabilis naman na tugon nito.


Kung nasa gaga mood siguro ako ngayon ay baka inasar ko na ito patungkol kay Professor Mcbell na dati nitong girlfriend at patuloy na umaasang magkakabalikan pa silang muli.


Subalit dahil nasa serious at dramatic mode na ang lola niyo ngayon ay hindi ko man lang yun magawang gawin ngayon.


Mas nais ko nalang muna ang mapag-isa taliwas sa naging desisyon ko kaninang sumama kay Mummy patungo dito.


"Hindi pa po ba sira yung dati kong kuwarto dito?" Tanong ko nalang pagkuwan.


"Ay hindi pa, Arthemis." Mabilis na sagot ni Mummy. "Nawala ka man saamin noon ay sinigurado kong hindi mawawala ang mga ala-ala mo. Pinakiusapan ko nga rin ang Uncle Cor mo na alagaan ang mga silid dito." Dugtong nito.


"Bagay na siyang ginawa ko naman." Mabilis na dugtong din ni Uncle Cor. "Alam kong si Kuya Connor ang unang magagalit sa oras na malaman niyang pinabayaan at hindi ko sinunod ang utos ng pinakamamahal niyang asawa." Natatawang biro pa nito.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon