Chapter 39

60 13 0
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV


"Tayo ay mag hawak kamay kasabay ng awitin ng ama namin." Anunsyo sa mic.


Kasabay ng pag-iwas ng kamay ko sa lalaking katabi ko sa kaliwang bahagi ko ang siyang muling pagkasibangot ng pagmumukha ko kahit panga ba nasa tahanan kami ngayon ng Diyos.


Tanging si Mummy Samarah lamang na nasa kanang bahagi ko ang siyang hinawakan ko ang kamay kasabay ng awitin ng pinapaawit saamin sa misa.


Linggo kasi ngayon at nakaugalian na ng pamilya buhat ng lumipat sila ng pananampalataya ang regular na pagtungo sa simbahan tuwing umaga ng ganitong araw upang makadalo sa misa.


Alam kong hindi makakaligtas sa mga mata nila Artemisia at Auntie Rusing na nasa likuran lang namin ang ginawa kong pag-iwas na yun kay Dirk subalit hindi ko talaga maiwasan ang hindi ito pakitunguan ng malamig.


Yan ay sa kabila ng desisyon ko kahapon na huwag na munang ipaalam dito na natatandaan ko na ang lahat at wala na itong dahilan para lokohin pa muli ako.


Pag-uwi ko kasi sa mansyon kahapon matapos kong makapag-isip ng mabuti sa may tree house namin ay nadatnan ko itong kinakausap sila Mummy.


Papalayasin ko panga sana ito muli ng makaisip ako ng ibang ideya upang pahiyain ito sa panibagong kalokohan niya.


Sa tingin ko kasi sa lalaking nabulag na sa paghihiganti na katulad nito ay hindi nito matatanggap ang labis na pagkabigo.


Kaya naman sisiguraduhin kong hindi na ito magtatagumpay pang muli sa plano nitong saktan ang pamilya ko't gamitin muli akong instrumento.


Sisiguraduhin ko din na matatanggal ko na ang maskarang nagtatago sa totoo nitong mukha sa pamilya ko at sisiguraduhin kong ito naman ngayon ang maloloko ko.


Kaya mo?


Hamon saakin ng isang parte ng pagkatao ko kung saan maskina ako sa sarili ko ay napapaisip na rin.


Aaminin kong malaki ang galit at inis ko sa lalaking katabi ko ngayon subalit hindi ko rin matatanggi na naririto pa rin siya!


Naririto pa rin siya sa puso ko na tila hindi ko na yata magagawang burahin pa.


Na kahit isang makademonyong mahika na ang ginawa ko saaking sarili ay hindi ko pa rin magawa ang tuluyan na itong kalimutan tulad ng ninais ko noon na mangyari.


Kaya naman ang pasakitan at biguin na lamang ito ang siyang tangi kong magagawa upang makaganti man lang dito at mabawasan ang sakit sa dibdib o sa puso ko.


Bagay lang naman na bigyan ng leksyon ang isang demonyong katulad nito hindi ba...?

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon