Chapter 34

69 14 7
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Marahang pumikit ako ng maramdaman ko ang presensya ni Dirk sa likuran ko ng bigla nalang nitong marahan na ikiskis ang mukha nito sa likod ng ulo ko ng sa wakas ay maubusan na ito ng pasensya mula sa panonood lang saakin.


Kanina ko pa kasi pinagmamasdan ang papalubog na araw mula sa pinakamataas na parte ng mansyon nito dito sa malawak na balkonahe ng palasyo nito na siyang dahilan siguro kung bakit ito na ang lumapit para muli akong lambingin.


Sa maniwala o hindi kayo?


Wala pa kaming kibuan buhat ng may mangyari saamin kanina na hindi ko na kayang idetalye pa sa labis na kalalaan. Halos ibuhos kasi namin lahat ng pinaghalo-halong emosyon naming dalawa na siyang dahilan siguro kung bakit naging ganun kalala ang kinalabasan.


"What a lovely place..." Tanging nawika ko nalang para basagin na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.


Napakaganda naman kasi talaga ng tanawin na matatanaw mula sa balkonahe nito sa palasyong nakatirik sa tuktok ng mabatong burol na minana pa daw niya sakanyang ama.


Kitang-kita ang ilang libong ektarya ng lupa't mga ari-arian nito na nagawa ko ng daanan kanina lang.


Kay gandang pagmasdan din ng asul na asul na karagatan na tinernuhan ng sobrang puti at pinong buhangin sa bandang kanan at ibabang bahagi ng burol na talaga namang nakamamangha na maging ganun ang kulay gayong hindi naman mainit sa lugar na ito.


Sa kanang bahagi naman ay matatanaw mo ang berdeng-berde na kagubatan na may malaki't mataas na water falls na talaga namang kumikinang-kinang pa sa araw kung titignan sa malayo.


Sa palagay ko? Wala sa Earth o kahit saan pa man planeta matatagpuan ang lugar na ito. Mukhang magical place kasi ito na si Dirk lamang ang may kayang komontrol kung sino ang makakapasok at ang makakalabas.


"Not as lovely as you." Banat nito na siyang nagpangiti saakin.


Marahang humarap ako dito para lang mapapikit muli ng salubungin nito ng halik ang noo ko.


"Let's take a shower together?" Aya nitong maligo na sa wakas.


Marahang tumango ako bilang tugon.


Masayang pinagsaluhan namin ang bathtub nito sa loob ng malaki nitong banyo kung saan para kaming mga batang paslit na nagharutan. Nang matapos ay para naman kaming teenager na kailangan pang magtago sa mga katulong nito papunta sa kung saan mang parte ng malaking palasyo nito.


"Close your eyes..." Utos nito pagkuwan ng matapat kami sa isang malaki't magarang pintuan na nakasarado.


Marahang sinunod ko naman ang gusto nito para lang mamangha ng marahang igiya nito ako papasok at utusan sa wakas na buksan ang mga mata ko.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon