Chapter 57

54 14 0
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV



(Music Playing: Hannah and Volmer – Benjamin Wallfisch's)



What is the point of my living...?


Tulalang tanong ko sa isip habang pinagmamasdan ang malawak na kalupaan ng Wolveroz na tanaw na tanaw ko ngayon mula sa tinutungtungan ko sa tuktok ng sira pa ring palasyo.


Si Dirk...


Kamusta na kaya si Dirk...?


Nahihirapang tanong ko sa isip patungkol sa kalagayan ng lalaking pinakamamahal ko.


"Your Highness!" Nag-aalalang tawag saakin ni Daila ng makita ako nito saaking kinaroroonan ngayon. "Ano bang ginagawa mo diyan!?" Galit na tanong panga nito kasunod ng buong puwersang paghila nito saakin.


Tulalang nagpatangay nalang ako dito lalo't wala na ako sa tamang pag-iisip ngayon para labanan pa ito.


"Hindi pa katapusan ng mundo, Dallas!" Sa unang pagkakataon ay tawag nito sa pangalan ko. "Tandaan mo ang bata sa sinapupunan mo na siyang tunay na dahilan kung bakit nga ba kailangan mong ipaglaban ang buhay mo." Dugtong pa nito.


"Daila..." Naiiyak na tawag ko sa pangalan nito. "Ayoko na... Hindi ko na kayang ipaglaban pa ang batang ito kung ganito lang din naman pala ang kahihinatnan namin." Dugtong ko.


Nakita ko kung papaano maawa saakin ang maamo nitong mukha na para bang maskina ito ay nagpapakatatag lang sa nangyayari ngayon.


"Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo pa siya nakikita." Kumbinsi nito saakin. "Sa oras na masilang mo ang batang yan ay natitiyak kong pasasalamatan mo din ako kung bakit pinipilit kong mabuhay siya gayong hindi panga siya nasisilang ay nais na siyang mawala ng kanyang ina." Dugtong nito.


"S-Si Dirk..." Sambit ko sa halip. "Baka matulungan ako ni Dirk pag sinabi ko na sakanya it—"


"Dallas!" Gising nito saakin sa kahibangan ko ngayon. "Hindi ba't napag-usapan nanatin yan? Walang magagawa si Prince Dirk para matulungan ka dahil buhay mo ang hawak ng kapatid mo! Isang pagkakamali mo lang ay kaya ka niyang patayin kasama ng batang nasa sinapupuna—"


"Kung ganun ay magsasama nalang kaming dalawa sa Dismaes kung saan hihintayin nalang namin ang ama niya." Wala na sa sariling sambit ko.


"Nasisiraan kana ba!?" Galit na tanong nito. "Alam mo ba kung gaano nagdurusa ngayon si Prince Dirk buhat sa pagkawala ng ina niya tapos dadagdagan mo pa ang suliranin niya!? Baka pag nalaman niya ang totoo mong dahilan sa ginawa mong ito't patay kana ay tuluyan na siyang mawala sa sarili kasabay ng pagkawalan na rin namin ng pag-asa na makalaban pa kay Draken!" Dugtong nito.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon