Chapter 19

72 10 0
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV


"Iyuko niyo ng mabuti ang mga katawan at ulo niyo! Gayahin niyo yung mga Hapon o mga Koreano sa tuwing sinasalubong nila ang boss nila sa bukana ng pinto sa kumpanya! Ganun ang gawin niyo, okay!? Now, let's do it from the start." Bossy na utos ko sa mga tauhan ni Derit sa bungad ng pintuan ng Dark Building.


"Grabe! Sino ba ang isang yan, Ms. Bubbles?" Mangiyak-ngiyak ng tanong ng isa sa mga tauhan na naririto.


"Siya ang magiging official at kauna-unahang assistant ni Big Boss. Ang pangalan niya ay Dallas Jude pero tawagin niyo nalang siyang Ms. Jude." Sagot ng secretary ni Derit na hindi na rin ako magawang pigilan pa sa mga kabanaan ko.


"Kapag sinabi kong yuko! Yuko!" Bossy na utos ko muli ng makita kong may nagkamali.


"Assistant lang pala eh bakit ganyan kung umakto!?" Mangiyak-ngiyak na tanong muli ng kausap ni Bubbles.


"Sa hindi ko malamang kadahilanan ay binigyan din siya ng power ni Big Boss na maging substitute boss sa tuwing wala pa siya sa kumpanya. Yan ang dahilan kung bakit may karapatan siyang gawin ang mga ginagawa niya ngayon." Kibit balikat na sagot nito.


"Ayan! Perpekto!" Masayang puri ko sa halip na patulan pa ang usapan nila Bubbles. "Tapos habang ginagawa niyo yan dapat sabayan niyo ng malakas na sigawan na MALIGAYANG ARAW BIG BOSS." Sigaw ko pa naman talaga sa dulo na ikinakamot ng mga ito sa ulo.


"Eh hindi naman po kaya parang Mapia Boss na Mapia Boss na ang yarian ni Big Boss sa oras na gawin namin yan?" Tanong ng isa sa mga ito.


"Ehhhh yun nanga ehhh!? Hindi ba't Mapia Boss din naman siyang matuturing? So anong inaarte-arte niyo!? Gawin niyo nalang ang gusto ko!" Masungit na sambit ko. "Unless gusto niyong..." Putol ko kasunod ng panggagaya ko sa awra ni Pitou sa anime na Hunter x Hunter para mas mahintakutan ang mga ito.


"Hiiiiiiiiiie!" Nahihintakutan na sambit ng mga ito habang nanayo pa talaga ang mga balahibo sa takot.


"Okay, from a count three, two and one—" Bilang ko para simulan na nila ang tinuturo ko.


"MALIGAYANG ARAW PO BIG BOSS!" Sigaw ng mga ito.


"BIG BOSS!"


"BIG BOSS!"


"BIG BOSS!"


Perfect na sana ang lahat kung hindi lang mga siraulong uhugin ang mga ito na inulit-ulit pa yung Big Boss word na para tuloy nagkaroon ng echo yung pabati!


"Mga gunggong!" Batok ko sa mga ulo nila.


Sarap palang mambully sa Dark Building?


Pakiramdam ko tuloy ay nababalik ako sa high school bago...

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon