Chapter 61

55 13 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV



Kunot noong sumilip ako sa malawak na field na mahahalintulad ko sa mga K-drama na napapanood niyo na may setting na makaluma. Ang pinagkaiba lang ay hindi mala Asian style yung palasyo kung di fantasy style na mas bongga pa sa bongga.


Anyway!


Hindi yan ang totoong ipinunta ko dito ngayon lalo pa't todo bihis at disguised na ako para sa event na ito.


Kinakailangan kong makita si Daila!


Yan ang una kong misyon ngayon na susundan naman ng pagsagip ko dito if ever na totoo yung teorya kong ito ang gagawing alay kay Novalia.


Natitiyak ko naman kasing hindi na birhen si Daila lalo't palagi itong kasama ng kapatid kong ulol!


Wulfric pa naman kapatid ko!


Sa pagkakaalam ko kasi ay walang mabagal na Wulfric kaya nga maskina ako saaming dalawa ni Dirk ay ako ang palaging nag i-insist noo—nyeta!


Malulungkot kana naman niya eh!


Sermon ko saaking sarili sa isip ng mabilis na magtago ako ng makita ko si Arria na naglalakad kasama nila Kuya Denver at ng mga tagapaglingkod nila na mukhang tutungo na ng mas maaga sa mga upuan nila.


Wooosh...


Nakahingang maluwag na sambit ko sa isip ng makita kong nakalayo na ang mga ito at maaari na ulit akong hindi magtago.


Ayoko naman kasi na makita agad ako ni Arria lalo't suot ko pa man din ang mga damit nitong ninakaw ko.


Pero syempre?


Pinagpupunit at in-style ko naman na ang mga yun para hindi nito totally mahalata na kanya!


Sa tingin ko naman kasi ay hindi nito mahahalatang may nawawalang damit sakanya lalo't napakadami nitong dala na damit na akala mo'y dito na maninirahan pang habang buhay!


Hmmmmp!


As if!


Banas na sambit ko sa isip.


Oras na makasal itong babaeng ito kay Dirk?


Nako! Huwag ng alamin ni Driscol kung sino Daddy niya at baka masampulan ko lang it—hindi ko kaya...


Hindi ko kayang saktan ang anak ko't mas lalong hindi ko kayang hindi ito ipakilala kay Dirk na nagbigay nito saakin.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon