Chapter 53

48 11 0
                                    




Dirk Izunia Salvatorie POV


Marahang luminga-linga ako sa paligid para lang matagpuan ang aking sarili na nakatayo sa gitna ng kawalan.


Subalit anong pagtataka ko ng isang malawak na kapaligiran lang na napupuno ng makakapal na nyebe ang matatanaw mula saaking kinatatayuan habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng pinaghalong tubig ulan at nyebe.


Ang panaginip na ito...


Walang emosyon na tanong ko sa isip ng bigla nalang dumilim ang paligid at tumutok saakin ang liwanag kasabay ng pagkatagpo ko saaking sarili na nananagarilyo ngayon habang hawak ang diyamante kong rosaryo.


Bakit ba paulit-ulit ko nalang ito napapanaginipan?


Hindi ko din alam kung bakit subalit alam kong may nakatingin na kung sino mula saaking likuran na siyang nagbibigay init saakin dito sa napakalamig na paligid.


Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapapikit lalo't alam ko naman saaking sarili kung sino ang nilalang na nasaaking likuran.


"Dallas..." Mahinang tawag ko sa pangalan nito.


Mula sa tila mainit na tingin na masarap saaking pakiramdam ay nakaramdam ako ng labis na panganib na siyang dahilan kung bakit napilitan akong lumingon para lamang salubungin ng tingin si Draken kasama ang ilan daang hukbo nito na may hawak na espada ngayon at tila itatarak nito yun saakin ngayon.


"HUWAG!" Malakas na sigaw ng kung sino.


Kasunod nun ay mayroon babaeng may mahabang buhok ang humarang saakin para salungin ang espada ni Draken.


"DIRK!"


Mabilis pa sa alas-cuatro na napatingin ako kay Diland ng malakas na alugin nito ang magkabilang balikat ko maging lamang ako mula sa panaginip kong yun.


"Nakikinig kaba saakin? Kanina pa kita tinatawag na bata ka." Seryosong anas nito.


Hindi tulad ko ay nakasuot na ito ngayon ng makapal na baluti at tila anumang oras ay handang-handa na itong makipaglaban.


"May problema kaba, Dirk?" Lapit at tanong na din saakin ni Oma na base sa pananamit ngayon ay tila sasabak din ito sa giyera.


"W-Wala." Pagsisinungaling ko bagama't nababahala ako ngayon sa panaginip o mas tamang sabihin na vision kong yun.


"Your Grace." Si Masuda na matalik na kaibigan ni Diland. "Napalikas nanamin ang ilang mga mamamayan sa mas ligtas pa na lugar. Nabalitaan din namin na tumatanggap ngayon ng mga refugee ang Shadowfell at handa din silang tumulong sa labanan sa isang tawag niyo lang. At tulad ng bansang pinamumunuan ngayon pansamantala ni Sagfar matapos tayong pagtaksilan ng anak mo ay handa din tumulong ang Bamboo Isle sa lahat ng mga bansa ng kontinenteng Wolveroz." Seryosong pangako nito bilang pinuno ng Bamboo Isle.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon