Chapter 33

68 13 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


"Kung ganun, aalis na rin po pala kayo at isasara niyo na ang shoes store na ito?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Mrs. Sabella.


"Ganun nanga." Nakangiting sagot nito.


"Pero bakit naman po? Mukhang malakas naman po ang kinikita niyo at marami naman pong tumatangkilik sa negosyo niyong ito tapos aalis lang ako ay aalis na din kayo?" Birong tanong ko pa dito.


Tumawa ito buhat sa sinabi kong yun.


"Kailangan na kasi naming umuwi ng asawa ko sa lugar namin kung saan hindi nanamin magagawa pang asikasuhin ang negosyong ito na tinayo namin ilang taon na ang nakakaraan para mabantayan ng palihim si Dirk at Diana." Sagot nito.


Dirk at Diana...?


Namimilog ang mga mata na tanong ko sa isip.


"Kung ganun, kilala niyo po silang dalaw—" Tanong ko pa sana ng biglang may batang babae na tumakbo palapit dito at yakapin ito ng mahigpit sa baywang.


"Lola!" Masayang tawag nito sa lola nito.


"May apo kana pala, Mrs. Sabella!? Ang bata pa po ng itsura niyo para magkaapo. Iba na talaga pag Immortal noh..." Naiiling na anas ko.


Tumawa ito buhat sa sinabi ko.


"Ganun talaga ang magaganda." Sagot nalang nito saakin sabay kindat.


"Nakahanda na po kaming umalis lahat, Mrs. Sabella." Anunsyo ni Tyma na todo bihis na ngayon.


Sukat dun ay nakaramdam ako ngayon ng labis na kirot sa puso ko na natural ko lang naman na maramdaman dahil napalapit na rin saakin halos ang mga ito kahit sa loob lamang ng maikling panahon.


"Paano, Dallas?" Si Mrs. Sabella.


"Goodbye, Ate Dallas." Nakangiting paalam ng apo nito saakin.


Hindi ko alam subalit labis na lumambot ang puso ko ng makita ko ang napakagandang ngiti nito ngayon.


"Ba-bye." Nakangiting paalam ko din. "Anong pangalan mo nga pala?" Tanong ko pa dito.


"Annia." Nakangiting sagot nito.


"Sabella, Annia? Tara na kayo." Nakangiting tawag dito ng isang lalaking ubod din naman talaga sa pagkagwapo na sa hinula ko ay siyang asawa ni Mrs. Sabella at lolo ni Annia.


"Lolo!" Takbo't yakap din dito ni Annia.


Mabilis naman itong niyakap at binuhat ng lolo niya na talaga namang napakakyut tignan ngayon sa paningin ko.


"Ikaw ba si Dallas?" Tanong nito.


"Ako nga po." Nakangiting sagot ko.


"Maganda kanga pala talaga." Natatawa ng bahagya't puri nito saakin. "Ako nga pala si Caerez." Pakilala't pakikipagkamay nito saakin. "It's nice to meet you finally in person." Dugtong pa nito.


"Nakwe-kwento po ba ako sainyo ni Mrs. Sabella?" Nakangiting tanong ko.


"Ay oo!" Masiglang sagot ni Mrs. Sabella. "Bidang-bida ka lagi sa hapagkainan namin sa tuwing magkwe-kwento ako dahil love na love kita." Dugtong nito.


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon