Chapter 4

89 12 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


"Ewan ko nalang talaga kay Ate Misha!" Naiiling na wika ni Zella habang nililigpit ang mga nagtumbahang mga lamesa't upuan sa hardin buhat sa ginawang pagwawala ng kapatid namin.


"Sayang! Hindi niyo nakita kung papaano magwala kanina si Commander!" Sila Ishma na katulong namin sa pagliligpit.


"Grabe naman pala ang ate mo magalit, Master D." Bulong saakin ni Javu'n. "Nananahimik kaming kumakain ng spaghetti nila Mikael kanina ng bigla nalang tumilapon saamin yung upuan. Kung makikita mo lang mukha ni Mika nung nagwawala ate mo kanina ay baka maiyak kana lang sa katatawa." Naiiling na wika nito.


"Hindi totoo yan!" Si Mikael na nililigpit ang mga nabasag na plato.


"Pasensya na kayo mga bata. Sa halip na party lang ang ipinunta niyo dito ay nadawit pa kayo sa gulo." Napapakamot sa ulo na paghingi ni Granddad ng pasensya.


"Wala po yun!" Nakangiting sagot ng mga ulol.


"Sino ba naman kasing gaga ang nag-invite kila Kuya Noctis dito?" Si Zella.


Sukat dun ay sabay-sabay na napatingin saakin ang lahat.


"What!?" Anas ko. "Kaibigan ko rin naman kasi sila noh!" Dugtong ko.


"Grabe siyaaaa!" Anas ng mga ito.


"Parang aping-api ka sa ate mo kung umasta ah?" Si Victoria na naiiling nalang.


"May sarili talagang mundo." Si Mummy.


"Kaibigan ko naman kasi sila noh!" Ulit ko sa rason ko.


"Kamusta na si Misha, anak?" Tanong ni Granddad kay Mummy.


"Nasa taas kasama ni Mommita at nagpapakalma. Ano ba kasing pinag-ugatan ng away?" Tanong nito kila Ishma na mas malapit kaninang nakakita ng mga pangyayari.


"Hindi din po namin alam eh? Busy po kasi kami sa pagkain ng mga handa niyo ng bigla nalang may lamesang tumilapon saamin kasabay ng pagbalibag saakin ni Frabri na umaawat lang daw kanina." Si Ishma.


"Tol! May mas malala pa palang kaso kaysa saakin." Bulong ni Mikael kay Javu'n.


"Lul!" Sagot ni Javu'n.


"Poor Fabri... Ginawang gamit na pwedeng ibato." Si Victoria. "Nasaan nanga pala siya?" Tanong nito.


"Sinamahan ni Igrain at Marco sa loob para gamutin." Sagot ni Auntie Pippa.


"Nakatulog na sila Dreydent sa wakas." Wika ni Kuya Dreyd ng makalabas ito ng bahay. "Maskina sila ay tila na-trauma sa ginawa ng tita nila." Dugtong nito.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon