Chapter 52

45 11 0
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV


"Tonight is the day, today is their night." Masayang anunsyo ni Kuya Draken sa harapan ng mga nasasakupan nito na handang-handa na lumusob ngayon sa buong Wolveroz sakay ng magical ship na parte pa rin syempre ng makademonyong kapangyarihan na ginagamit ni Kuya Draken kung saan maaaring mag bayad siya ng malaking halaga sa pag gamit. "For victory and honor!" Determinadong wika nito.


"FOR VICTORY AND HONOR!" Malakas na sigawan ng lahat na naririto maliban saamin ni Daila na tahimik lang na nakikinig mula sa isang tabi.


"We will conquer what is our!" Mapanakop na anas nito.


"WE WILL CONQUER WHAT IS OUR!!!" Mas pinalakas nilang sigawan na halos ikabingi nanamin dito.


Sinundan panga yun ng malalakas na kantyawan at palakpakan tanda ng pagiging handa nila sa kung anuman ang kahaharapin nila.


"Your Highness..." Tawag saakin ni Daila ng makita nito ang pagtayo ko mula sa kinauupuan ko.


Marahang nilingon ko naman ito upang alamin kung ano ang gusto nito iparating para lamang maunawaan kung ano nga ba yun na kahit hindi na nito sabihin pa saakin verbally ay nagawa ko naman ng unawain mentally.


Don't mess with your brother...


Pakiusap nito.


"Don't worry, Daila." Nakangiting wika ko dito. "I know exactly what I'm doing." Dugtong ko pa.


Yun lang at iniwan ko na ito upang mabilis na sundan ang kapatid kong si Draken na nakita kong palihim na umalis kanina patungo sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ito eksaktong pupunta subalit isa lang ang alam ko.


Maaaring tumungo ito sa lugar kung saan nito nakukuha ang ganitong uri ng kapangyarihan na halos kayanin ng pantayan ang pinagsama-samang lakas namin nila Diland.


Kahit mas malakas pa rin si Dirk higit sa kapangyarihan na mayroon ito ngayon ay hindi pa rin nito kakayanin manalo lalo't kung mapapagtulungan ito ng mga kaalyado ng kapatid ko.


Nag-aalalang anas ko sa isip bagama't pinipigilan ko ang aking sarili na makaramdam ngayon ng kahit na anong kaba sa dibdib na maaaring maramdaman ng kapatid ko sa oras na mahuli ako nito.


Mabilis pa sa alas-cuatro na pumasok ako mula sa papasara ng pintuan na pinasukan nito para lamang muntikan ng maipit doon. Buti nalang talaga at mas mabilis ang ginawa kong pagpasok.


Ilang linggo na din halos ang nakalipas buhat ng subaybayan ko ang bawat kilos ni Kuya Draken.


At base sa ginawa kong pagsubaybay?


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon