Chapter 22

69 12 0
                                    



Dirk Izunia Salvatorie POV


"Hindi ka ba marunong kumatok o mag basa man lang ng signage?" Ma-awtoridad na tanong ko dito sabay iwas ng tingin.


Mabilis na nag hilamos din ako ng pagmumukha para pagtakpan dito ang mga luhang napakawalan ko kanina.


Anong ginagawa mo dito!?


Halos matarantang tanong ko sa isip.


Hindi ka dapat naririto!


Hindi mo dapat ako makitang nagkakaganito!


"M-Marunong." Nauutal na sagot nito ng tila hindi din ito makapaniwala sa naabutan nitong tagpo.


"Kung ganun bakit bigla kana lang pumapasok sa loob ng men's room?" Matalim ang tingin na tanong ko dito para lang mabilis na iwasan muli ito ng tingin.


Sa ngayon kasi ay hindi ko pa kayang tignan ito lalo't hindi ko pa rin napapagpasyahan kung ano nga ba ang marapat kong gawin sa pagitan naming dalawa.


Maaari ko naman itong ipadala pabalik sa Eos ng matapos na ang paghihirap kong ito pero maisip ko palang na malayo ito muli saakin ay parang napupunit na ako ng ilang bilyong beses.


"May problema ka ba saakin, Derit?"


Mabilis na napalingon nanaman tuloy ako dito matapos ako nitong tahasan na komprontahin.


"I don't get you." Wika nito ulit. "Actually, naguguluhan na ako sa kung ano bang problema mo saakin. I know this isn't the right time to confront you but I'm curious kung bakit ganyan ka umasal saakin? Para bang may virus ako na dapat layuan o huwag titigan mag mula pa kanina!" Galit na anas nito.


Gustuhin ko man makaramdam ng takot ngayon dahil sa tindi ng inis at galit na nakikita ko sa pagmumukha nito ay hindi ko naman yun magawa lalo't napakaganda pa rin nitong titigan sa kabila ng labis na pangungunot ng noo nito.


Bagay na bagay dito ang plain pink turtleneck top nito na itinuck-in nito sa high waisted and long white pencil cut skirt nito. Mas lalo din itong nagmukhang supistikada sa kulay balat na heels na suot nito na hindi man ganun kataasan ay sapat na para ipakitang isa itong desente't hindi basta-bastang babae.


Napansin ko din lately ang bahagyang pangungulot ng natural nitong buhok na buhay na buhay naman talaga at kay sarap sigurong singhutin at hawakan na hindi ko rin naman maaaring gawin o mas tamang sabihin na hindi ko talaga dapat pang gawin.


"Noong unang beses na magkita tayo sa siyudad mong ito ay parang okay kana man saakin? In fact to tell you honestly, feeling ko ay parang saakin ka pa nga may gusto noon tapos nagulat nalang ako na kayo na pala ni Artemisia kaya ipinagsawalang bahala ko nalang ang mga nangyari sa pagitan nating dalawa." Hayag nito sa gusto nitong sabihin.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon