New Year Special

96 13 2
                                    



Dirk Izunia Salvatorie POV



"Take care of your family, Dirk..." Nakangiting himas ni Mama sa buhok ko. "Alagaan mo ang pamilya mo at gawin mo sakanila ang bagay na hindi natin nagawa noong nabubuhay pa kami." Dugtong nito.


"I'm proud of you, My Son..." Nakangiting wika naman ni Papa. "Long live may you reign..." Dugtong pa nito.


"Kunin muna si Ate Dallas, Kuya!" Masayang wika ni Desha. "At huwag na din kayong malungkot kasi palagi naman namin kayong dadalawin eh..." Dugtong pa nito.


"Hangad ko na habang buhay kayong maging masaya..." Si Lolo Elyzor.


"Take care, apo." Si Lola Daian.


"Ikaw na ang bahala sa Baby Tomby ko, Dirk..." Nakangiting bilin ni Connor sa anak nito saakin.


"Maraming salamat sainyong lahaaaaaaaaaat!" Masayang pasasalamat sa mga ito ni Dallas na tila handang-handa na ngayong umalis pabalik sa mundo namin.


Dapat lang naman itong maghanda lalo't hindi biro ang pinagdaanan kong hirap para lang makapunta dito at masundo ito pabalik saamin ni Driscol.


"Dirk?" Tawag nito sa pangalan ko ng makita nitong tila ako naman ngayon ang hindi pa handang lumisan.


Marahang nilingon ko ito ng maramdaman ko ang mahigpit na paghawak nito sa isang kamay ko na parang sinasabi nitong ayos lang ang lahat at magkakasama naman na kaming dalawa.


"It's alright, Dirk..." Si Mama. "Palagi pa rin naman tayong magkikita." Dugtong nito.


Tulad nito ay ganun din ang sinabi nila Lola Daian.


"Let go, My Son..." Si Papa.


Masakit, malungkot at masaya...


Yan ang tatlong emosyon na naghahari ngayon sa puso ko habang tinitignan ang buong pamilya ko na ipinagkait saakin ng tadhana noon.


Ganun pa man?


Tama sila.


Hindi dapat magtapos dito ang buhay ko lalo't kinakailangan ko na rin bumuo ng sariling akin.


"Thank you..." Pasasalamat ko sakanilang lahat na naririto patungkol sa mga itinulong nila saakin para umabot ako sa punto ng buhay ko ngayon. "Thank you for everything..." Dugtong ko pa.




-------------------------------------

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon