Chapter 58

51 13 0
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV



"Anong iniisip mo?"


Mabilis na nilingon ko si Leonard na bigla nalang lumitaw mula saaking likuran matapos ang meeting na naganap saamin nila Kuya Draken patungkol sa gagawin naming pag lusob mamayang gabi sa Iceforth.


"Wala naman." Sagot ko kasunod ng malalim na pag buntong hininga at pagmamasid ng wall na itinayo nila Kuya Davis para protektahan saamin ang Iceforth sa loob lang ng halos ilang buwan.


"Pag nakuha nanatin ang Iceforth ay nalaman kong isusunod na ng kapatid mo ang Crystalizae na protektado pa rin ni Headmaster Sandors at Prince Danier." Kwento nito patungkol sa isa pang bansa bukod sa Shadowfell na hindi sumuko sa kamay ng kapatid ko.


"Mahihirapan tayo sa Crystalizae hindi tulad sa mga naunang bansa na nasakop nanatin sa Wolveroz. Masyadong malakas na puwersa ang inilagay doon ng ama ko." Wika ko.


"Sa tingin mo ba ay may pakialam pa ang kapatid mo sa bagay na yan?" Tanong nito. "Kung ako lang ang tatanungin ay tila wala ng makakatalo pa sakanya lalo't hawak niya ang Wulfric Book na siyang dahilan kung bakit maraming nagpasakop na sakanya ng tuluyan sa paniniwalang wala ng kahit na sino pa ang makakatalo sakanya sa mundong ito na tila kinalimutan na ng langit." Malungkot na wika nito.


Habang natigilan naman ako at hindi na nakasagot pa.


Totoo naman kasi ang sinasabi nito.


Kung titignan ang Novaliz ngayon ay tila kinalimutan na ito ng langit.


Wala na ang dati nitong ganda na siyang dahilan kung bakit hinahangaan kami ng ibang nilalang noon. Tapos hindi pa ito makabangon-bangon ngayon dahil sa kaliwa't kanang digmaan na nagaganap sa paligid.


"Hindi sa lahat ng oras ay walang makakatalo sakanya, Leonard." Seryosong wika ko. "Hindi pa natin nakukuha ng tuluyan ang Shadowfell kung saan mas higit pa sa iniisip ng kapatid ko ang kayang gawin sa labanang ito." Kampante na dugtong ko.


Nakita kong tila nagulat ito sa pagiging kampante ko sa pag-sabi nun na para bang tiwalang-tiwala ako na may magagawa ang Shadowfell.


"Dahil kahit ano pang lakas ng librong Wulfric na hawak ng kapatid ko ay hindi nito kakayanin ang makademonyong kapangyarihan na nilagay ni Wolveroz pang protekta sa bansang Shadowfell." Dagdag ko pa.


At kung ako ang tatanungin ay naniniwala akong ito nalang siguro ngayon ang natitirang lugar sa mundong ito na hindi naapektuhan ng muntikang pagkawasak ni Dirk noon.


Dagdag ko pa ulit sa isip.


Matagal na katahimikan muli ang namagitan saaming dalawa ng makita kong napailing at ngumiti nalang ito ng marahan.


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon