Chapter 40

66 15 1
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV


"Nako, mali! Hindi ganyan ang tamang pag pitas ng ubas apo... baka masugatan ka pa sa ginagawa mo." Mainahon na pigil saakin ni Granddad sa gagawin ko sanang pagpitas ng ubas.


"Ganito lang ang gagawin mo oh, Tita Arth!" Tutorial pa saakin nila Dreydent na para bang ako pa ang bata saamin dito.


Maging si Zeref nga na saling pusa lang naman sa pamilya't um-attend dito para sumama sa harvesting festival ng Liger family ay dinaig pa ako sa galing kung umani ng prutas.


Tulad nito ay napakagaling din ng ama nito na himalang pinapayagan na ng pamilya sumama-sama saamin gayong halata naman na may angs pa rin dito si Mishi at ganun na rin si Mummy.


"Tignan mo si Derit..." Bigla ay anas ni Granddad na talaga namang nilagpasan pa ako ng tingin para tignan ang lalaking binanggit nito na pumipitas ngayon ng ubas di kalayuan saakin.


Malaki man ang inis dito ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng lihim na pagkamangha sa panibagong talento nanaman na umusbong sa perpekto nitong demonyo na pagkatao.


Simula ng mag harvest kami kanina ng iba't ibang uri ng mga prutas na karaniwang naaani nila Granddad tuwing ganitong buwan at klima ay palagi na itong nangunguna saamin sa pamilya.


Halos talunin nanga nito si Granddad at Artemisia na pawang mga pinakamahusay na tunay sa miyembro ng pamilya pagdating sa ganitong gawain.


At kung siya ang nangunguna?


Hindi pa rin si Granddad at Artemisia ang pumapangalawa na talaga namang nagpamangha sa lahat!


Oops!


Teka muna!


Hindi din ako dahil ako nga ang dakilang palpak simula't sapul na mag simula ang harvesting na ito.


Na maskina si Arzella na shunga ay nagawa pang masapawan ang poging bida niyo sa larangan ng pag-aani.


At kung tatanungin niyo ako kung sino ang pumapangalawa sakanya ngayon?


Well that's none other than...


Noctis Lucis Caelum!


Ang atrabidong ex-boyfriend ni Artemisia na halatang nakikipagsabayan lang naman talaga ngayon sa demonyong si Dirk dala ng matinding pagka-disgust at selos niya dito sa pag-iisip na totoong naging ito at si Artemisia.


Pasimple pa kung bibira eh hokage din naman si gago!


Anyway, Dallas... Kahit atrabido yang lalaking yan ay diyan tayo boto ngayon!


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon