Chapter 45

69 13 12
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV


"Hindi ako aalis dito hangga't hindi niyo ako pinahihintulutan na makita si Prince Dirk Izunia Salvatorie." Matigas, ma-awtoridad at punong-puno ng determinasyon na ulit ko sa paulit-ulit na sinasabi ko kanina pa.


"Your Highness, natutuwa po kami sa muli niyong pagbabalik dito sa Novaliz matapos ang dalawang dekada niyong pananatili sa Eos—"


"Wala akong pakialam sa nararamdaman niyo ngayong nakabalik na ako. Si Prince Dirk ang ipinunta ko dito ngayon at hindi kayo." Mariing putol ko sa sinasabi ni Aryz na isa sa mga bagong The Elders.


"Ipagpatawad mo, kamahalan." Si Gaius. "Subalit hindi mo pa siya maaaring makita sa ngayon lalo't kadadala lang namin sakanya sa kulungan kanina." Dugtong nito.


"Wala akong pakialam!" Galit ng anas ko. "Gusto ko siyang makita't makausap kaya payagan niyo nalang ako sa gusto kong mangyari—"


"Wala kang karapatan mag demand ng ganyan, Princess Dallas."


Sabay-sabay kami halos napalingon sa ama kong napaka seryoso't walang emosyon ang mukha ngayon.


"Ipagpatawad niyo ang kagaspangan ng ugali ng anak kong babae." Hingi nito ng paumanhin sa tatlong matanda. "Naging mahalaga lang siguro sakanya ng labis ang dati niyang asawa kung kaya't ganiyan siya kung umasta ngayon." Dugtong pa nito.


"Anong pinagsasabi mo!?" Galit na tanong ko dito. "Higit saating lahat na naririto ay ikaw ang nakakaalam ng katotohanan. Si Former Queen Diana Ezia Salvatorie at Prince Draken ng Wolveroz naman talaga ang totoong nagtangkang patayin ka noon ah!?" Paalala ko dito.


"Kung nais mong ipagtanggol ang dati mong asawa ay binibigyan laya ka naming sumama't maging bahagi ng gagawin naming paglilitis sakanya sa makalawa, Your Highness." Si Aryz saakin.


"Hindi na yun kailangan pa." Mabilis na tanggi ni Diland para saakin.


"Bakit kailangan ko maging kabahagi ng isang paglilitis na hindi naman dapat ng gawin pa!? Inosente si Prince Dirk Izunia Salvatorie at naniniwala ako sa bagay na yun dahil mayroon akong Zeus Eye na kayang patunayan ang sinasabi ko at higit sa lahat ay naging saksi ako ng katotohanan noong mga panahon na namumuno pa siya dito. Ang dating elders ang mismong nag-utos sakanya na pamunuan ang mundo natin kapalit ng pag protekta nila sakanyang ina't pagbibigay ng kalayaan sa kanila sa oras na malaman nila kung sino ang gumawa ng krimen. My father even said once na sila Prince Draken at Queen Diana ang gumawa nito at alam niyo namang lahat yun." Mahabang wika ko.


"But Dirk said he controlled everything." Ang ama kong hindi ko malaman anong tinatakbo ng isip ngayon at nilalaglag si Dirk sa kasinungalingan.


"Of course, he will say that!" Galit na sagot ko dito. "He love his mother more than anything and he's willing to die for the sake of her." Dugtong ko pa.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon