Chapter 50

53 13 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV



"Your Grace, para saan ba talaga itong ginagawa natin?" Nalilito ng tanong ni Sagfar saakin.


"Basta siguraduhin mong may madadaanan ang bawat nilalang sa Wolveroz papasok ng wall sa Shadowfell. Naglagay na ako ng special magic na mag de-detect sa potential enemies na makakapasok just in case pagtangkaan nilang pasukin ang bansang ito kasabay ng pagpapapasok niyo sa mga refugee." Bilin na sagot ko dito sa halip.


"I don't get it." Si Hugo. "Alam ko naman na nagsilbing refugee and fortress na ang bansang ito noong unang panahon pero bakit naman mauulit yun ngayon?" Kunot noong tanong nito.


"Siya nga naman." Si Maximus. "At kung may problema man tayong kinahaharap o haharapin bakit hindi muna lang kami sabihan ng sa ganung paraan man lang ay mapasundo ko na ora-mismo ang kapatid kong wala dito." Dugtong nito.


"There's no need for that." Seryosong tutol ko. "Kaya niyo ng gawin ang pinagagawa ko sainyo dahil nasisiguro ko din naman na tutulong din ang mga leader ng iba't ibang bansa ng Wolveroz ganun din ang The Eight at ang hari." Dugtong ko.


"Wait." Si Hugo. "So are you telling us na may digmaan ngang paparating?" Dugtong na tanong nito.


Huminga na muna ako ng malalim kasabay ng patuloy na paglalakad at pagsunod saakin ng mga ito bago sumagot.


"Ganun nanga." Matapat na sagot ko.


"Alam naba ito ni King Diland!?" Si Sagfar.


"Hindi." Mabilis na sagot ko. "At hindi niya maaaring malaman hangga't naririto pa ako sa Wolveroz at wala pa sa tabi nila Prince Draken." Dugtong ko.


Yun lang at nag dire-diretso na ako sa paglalakad ko ng matigilan ako matapos kong mapansin na hindi na sumusunod pa ang mga ito.


"Your Grace..." Tawag saakin ni Sagfar.


Pumikit ako ng mariin upang humugot ng malalim na paghinga't lakas ng loob na harapin ang mga ito at ipaliwanag ang sitwasyon ko.


"Sinasabi mo ba saamin na binabalak mong traydurin ang pamilya't kababayan mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Egasus na ngayon lamang sumabat sa usapan.


"Hindi." Mabilis na sagot ko. "Pero parang ganun nanga..." Dugtong ko din naman agad.


Buhat dun ay nakita ko kung papaano sila nagkaroon ng iba't ibang reaksyon buhat sa nalaman at narinig nilang yun.


"Your Grace!" Si Sagfar na ngayon ko lamang nakitaan ng galit sa pagmumukha buhat ng pagsilbihan ako nito simula pa noong bata ako. "Hindi namin pinaganda ang reputasyon at ekonomiya ng Shadowfell ganun din ang imahe mo para lang sirain mo yun sa isang iglap." Galit na anas nito.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon