Chapter 66

67 15 0
                                    




Dirk Izunia Salvatorie POV



"Huwag kanang kumilos! Kami na ang bahala dito kaya magpagaling kana lang muna diyan." Narinig kong saway ni Barcia sa babaeng ubod naman talaga sa pagiging makulit ngayon.


"Nakakahiya na po kasi." Pilit pa rin nito. "Masyado na kaming nakakaabala sainyo kaya hayaan niyo nalang po na makatulon—"


"Kung gusto mo talagang tumulong ay bakit hindi mo nalang samahan si Prince Dirk tumungo sa kakahuyan para mangaso?" Suhestiyon ni Barcia na ikinatigil nito.


Dammit!


"Hindi na po." Mabilis na tanggi nito ng makita nitong tila hindi ko nagustuhan ang ideyang yun ni Barcia.


"Ay sayang naman... Sinusumpong na kasi ng rayuma si Luigi kaya ikaw nalang sana ang ipasasama ko kay Prince Dirk." Si Barcia ulit.


"Ako? Nirarayuma? Imposible—Oo! Nirarayuma nga ako—aray ko!" Kaila sana ni Luigi patungkol sa kasinungalingan ni Barcia kung hindi lang ito pasimpleng kinurot ng asawa nito sa tagiliran nito.


"Ako nalang ang mag-isang mangangaso kung ganun." Matalim ang tingin na paalam ko sa mga ito.


"Ay hindi pwedeng lumakad ng mag-isa sa kakahuyan at baka mapano ka po kamahala—"


"I can managed myself." Putol ko sa sinasabi nito.


Yun lang at nilayasan ko na ang mga ito bitbit ang mga gamit sa pangangasong gagamitin ko para makahanap ng makakain namin mamayang hapunan.


Ilang mahabang sandali din ang lumipas bago ako nakahanap sa wakas ng isang matabang usa na maaaring gawin pagkain mamayang gabi.


Wala na akong pinalagpas pang sandali at dali-dali ko na sana itong aasintahin ng bigla naman ay tumakbo nalang ito ng mabilis matapos makarinig ng mga kaluskos mula sa kung saan.


"Dammit!" Inis na mura ko ng makatakas ang buwiset na usang yun para lang mas mainit lalo ng makita ko kung sino ang dumating na siyang dahilan ng pagkawala nun.


"Naistorbo ko ba ang pangangaso mo?" Tila nakokonsensya na tanong nito.


"Hindi." Inis na sagot ko dito. "Saktong-sakto lang ang dating mo lalo na sa parte kung saan tumakbo yung usang maaasinta ko na sana kung hindi kalang lumalakad na parang nasa buwan." Dugtong ko.


"Sinasabi mo bang careless ako sa part na lumalakad lang naman ako para hanapin ka!? Malay ko ba naman na nanghuhuli ka pala diyan. Kung alam ko edi sana nagdahan-dahan ako sa paglalakad ko or else hindi na muna lumakad para hindi naka-istorbo." Inis din na wika nito.


Aba!?


Siya pa ang may ganang mainis...?

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon