Chapter 24

76 11 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


"This isn't right!" Inis na anas ko. "Assistant niya ako tapos ako pinapaasikaso niya sa bandang nais niyang pasikatin? Mukha ba akong band manager sa paningin niya instead of assistant?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Shin.


"Hindi ko din alam kung ano ang sapak ni Derit ngayo—"


"Dirk." Pagtatama ko dito sa pangalan ng asawa ko.


"Oo nga pala't alam muna kung sino talaga siya." Napapakamot sa ulo na wika nito. "So mabalik tayo, hindi ko talaga alam kung ano ang iniisip niya at bakit sayo niya pina-handle ang band na ito." Dugtong nito.


"Obviously, para makalayo siya saakin." Kibit balikat na sagot ko.


"Layuan ka!? Bakit naman niya gagawin yun eh alam naman niyang may pustahan kaming dalawa." Sagot din nito.


"Natatakot siya." Simpleng sagot ko.


"Natatakot?" Kunot noong tanong nito.


"Oo." Mabilis na sagot ko. "Natatakot siyang mabakla saakin ulit tulad noon." Dugtong at gawa ko ng kwento.


"H-Ha!? Ano!?" Litong tanong nito.


"Anyways, Garage 68 ang gusto ko maging pangalan ng bandang ito. Binubuo sila ng walong Asian members hindi ba? At layunin ni Dirk na gawin silang worldwide phenomenon na inatang niya saakin. I'll try my best just to make that happen as fast as I could para makabalik na sa Dark bilang assistant ni Derit." Monologue ko.


"Hindi ba nasabi sayo ni Dirk ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay noon at kung bakit mo nagawang alisin siya sa sistema mo?" Kunot noong tanong ni Shin sa halip.


"Nasabi." Matapat na sagot ko dito. "But I'm not interested on that reason right now since hindi ko pa naman siya feel." Dugtong ko.


Besides, alam ko namang kalokohan lang ang mga sinabi nito.


"I see." Tumatango-tangong wika nito. "O sige, bahala kana sa mga yan ha? Babalik na ako sa World Empire Mall para i-managed ang negosyong yun ni Dirk." Paalam nito.


"Bye!" Paalam ko dito.


Yun lang at ako kasama ng mga batang ito nalang ang naiwan sa loob ng recording area na ito.


"Nexus Park..." Tawag ko sa pangalan ng lead vocalist nila na talaga namang pamilyar saakin pero hindi nalang ako mag sasalita.


Basta ang clue?


Novalian ito at sa Shadowfell nakatira.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon