Chapter 71

81 15 2
                                    



Dirk Izunia Salvatorie POV



Buong tapang na binuksan ko ang pinto sa silid na kinaroroonan ngayon ni Diland para kausapin ito patungkol sa malaking gulo na nagawa ko ngayon.


"Anong nangyari?" Tanong agad ni Diland saakin pagpasok ko palang sa loob ng silid-tanggapan nito kung saan hinintay ako nito matapos ang nakakahiyang eksenang nangyari kanina para sa mga Furukawa ng layasan ko si Arria sa altar at tanggihan sa kasal.


"Hindi ko kaya." Bigay paalam at sagot ko naman dito.


Marahang tumango-tango nalang ito bilang tugon.


"Kamusta naman ang relasyon natin sa mga Furukawa matapos ang nagawa mo?" Tanong muli nito.


"Mas mahal ako ni Riyo Morie kaysa sa apo niya kaya walang mababago. She will help us still after this madness." Sagot ko naman dito.


"Bakit ba kasi pumayag ka pa sa kasalang hiniling ni Princess Arria?" Tanong nanaman nito.


"Hindi ko naman kasi akalain nung mga panahon na yun na wala na akong nararamdaman pa na kahit na ano sa anak mong pinapasakit masyado ang ulo ko." Kibit-balikat na sagot ko na ikinatawa nalang nito.


Sukat dun ay natawa naman ito ng bahagya.


"Ang pag-ibig na totoo'y hindi mawawala kahit kailan, Dirk." Seryosong wika na nito matapos nun. "Natutulog lang ito pero hindi nawawala sa puso nating mga lalake." Dugtong pa nito sabay tingin saakin.


"You let her escaped." Hula ko sa ginawa nito sa halip na sagutin ang sinabi nitong yun.


"I have to." Sagot naman nito.


"Why?" Tanong ko.


"You will understand later or sooner." Kibit-balikat na sagot nito.


"Ganun ba talaga ka-importante yun para itago niyo pa saakin ni Dallas?" Hindi makapaniwalang tanong ko.


Natawa nalang muli ito bilang paunang tugon.


"Kung hindi lang siguro nasa ilalim si Dallas ng librong nilikha ng ama ko alingsunod sa teorya mo'y magagawa mo sanang malaman ng mas mabilis kung ano ang tinatago ng anak ko." Sagot nito sa halip.


Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito lalo't kahit anong talino pa yata ang mayroon ako ngayon ay hinding-hindi ko magagawang maunawaan ang gusto nitong iparating saakin.


"Dirk..."


Mabilis na tumingin ako kay Diland ng tawagin nito ang pangalan ko.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon