Chapter 55

68 14 24
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV



"Dirk..." Luhaang tawag ko sa pangalan nito.


Hindi maaari!


Mariing anas ko kasabay ng mabilis na pagtakbo ko palapit pa dito.


Kailangan kitang maabutan, Dirk!


Umiiyak na habol ko dito sa isip.


Dirk!


Tawag ko ng paulit-ulit dito sa pagitan ng mabilis na pagtakbo ko.


At nung halos makita kong hindi na kakayanin pa ng mabilis na pagtakbong ginagawa ko na maligtas pa ito ay mabilis pa sa alas-cuatro na nag teleport ako para harangan na ito mula sa kapatid ko.


"HUWAG!"


Halos huminto ang kamay ng orasan para saamin ni Dirk ng kasabay sa malakas na pag-sigaw na yun ang eksenang hindi matatawaran.


Kitang-kita ko kung papaano harangan ni Diana ang anak nito mula sa tiyak na kamatayan at kung papaano ito marahang saluhin ni Dirk na halos matulala nalang ngayon sa nangyayari.


"Don't!" Si Leonard na pumigil saakin ng tuluyan kanina na makalapit upang mauna sanang saluhin ang espadang tumarak sa ina ni Dirk na pinakamamahal nito sa lahat.


Halos madurog ang puso ko ngayon ng makita kong unti-unting mag tubig ang mga mata ni Dirk at kung papaano masaktan ng labis ang itsura nito ngayon.


"H-Hindi..." Tulalang anas nito.


"Dirk..." Nanghihinang tawag sa pangalan nito ng kanyang ina kasabay ng marahang paghawak ng duguan nitong kamay sa mukha nito.


Mabilis pa sa alas-cuatro na napatutop labi ako upang pigilan magpakawala ng malakas na ingay dala ng matinding emosyon na nararamdaman ko ngayon.


Mabilis din na nagtago ako sa likod ng malaking bato di kalayuan sa puwesto ng mga ito kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata ko.


At gustuhin ko man na lapitan si Dirk upang madamayan ito sa sakit na nararamdaman nito ay hindi ko naman yun magawa lalo't alam ko na sa isang pagkakamali ko lang ay kami naman ng anak namin ang mapapahamak kasunod ng ina nito.


"Ma...ma..." Punong-puno ng sakit na tawag nito sakangyang ina.




---Bakit?


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon