Epilogue

131 16 7
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV



(Music Background: The Promise of The World – Youmi Kimura Instrumental)



Lihim na napapangiti nalang ako ngayon habang pinagmamasdan ang mga litratong inipon ko at patuloy na iniipon para sa walang katapusang bukas na pagsasamahan namin ng pamilya ko.


Todo effort panga ako sa part kung saan hinanap ko talaga lahat ng pictures namin ni Dirk mula pagkasanggol para lang ma-display lahat ng dapat i-display patungkol saaming dalawa.


At labag man sa kalooban nito?


Dinispley ko pa rin ang picture namin ng D.I.D nito during high school days at graduation day na kalaunan ay ikinatuwa nalang din nito at pilit na inaangkin na siya lang din naman daw yun.


Ibaaaaaa....


Natatawang wika ko sa isip.


Sa kasalukuyan ay masayang namumuno muna pansamantala ang aming ama na si Diland kasama ng una nitong asawa na si Oma't mga binata ko pang kapatid sa Wolveroz na umaasang sa pagkakataong ito ay totoong may maaasahan na ang mga ito mula kay Driscol na todo training para mapalitan sila sa pamumuno ng tatlong kontinente sa hinaharap.


Hopefully, gawin nga ng bebeboi namin...


Natatawang wika ko sa isip.


Palagi nga din pala kaming nagsusulatan ni Daila lalo't tila naging malapit na rin talaga kami sa isa't isa matapos naming magkasama't magliktasan noon ng maraming beses.


Marami akong nalaman patungkol dito na malalaman niyo nalang sa istorya nilang dalawa ng Kuya Draken ko.


And somehow, umaasa pa rin naman ako na one day?


Magkakaayos-ayos pa rin kaming lahat kung saan nakabukas naman ng malaki ang pintuan naming dalawa ni Dirk para sa kapatawaran.


Aba!


Dapat lang!


Natuto na saakin ang hari ng mga demonyo kaya easy lang kayo.


Sila Sagfar naman sa Shadowfell na hindi nakasama on action during war dahil tinamad na si author na isali pa pero isipin niyo nalang na marami din sila naging ambag sa digmaan ay pinangatawanan ang pangako saakin na ako pa rin ang kaisa-isang pinuno na kikilalanin nila bukod syempre sa mga anak ko at magiging anak pa ng anak ng anak ng anak basta galing sa lahi ko nyeta!





The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon