Chapter 67

72 15 0
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV



"Oo..." Seryosong sagot nito.


Mabilis pa sa alas-cuatro na napalingon ako dito buhat sa naging sagot nito na talaga namang hindi ko inasahan na magiging tugon nito.


At katulad ng ginawa kong paglingon dito ay ganun din halos bumilis ang tibok ng puso ko ng lumingon pa talaga ito saakin at pagkatitigan akong mabuti sa mga mata ilang segundo matapos nitong sabihin yun.


Kitang-kita ko tuloy ngayon ng malapitan ang mga mata nitong matatalim, asul na asul at tila umiilaw.


"Oo at mahal na mahal pa rin kita." Seryosong wika nito sa harapan ko.


Narinig ko ang hindi mapigilang impit na tili ng mga bata na naririto ngayon buhat sa ginawa't sinabing yun ni Dirk na talaga namang mas lalong hindi ko inasahan na gagawin nito.


"Pero nasasaktan din ako sa tuwing tinitignan ka't naiisip ko na hindi nanga pala kita pwedeng mahalin lalo't may asawa kanang iba. Kaya naman kung anuman ang pagmamahal na mayroon ako sayo'y tinatapos ko na ngayon."


Mariing dugtong nito na siyang ikinatigil ng kasiyahan ng lahat ng naririto ngayon at ikadurog ko naman ng labis.


Mabilis din na nag-iwas ito ng tingin para ikutin ang bote na tumapat dito na sakto namang tumapat pa talaga saakin sa oras na ayoko muna sana itong harapin.


"T-Truth or dare po?" Tanong saakin ni Larc na halatang nakakaramdam na ngayon ng matinding akwardness.


"Dare." Mabilis na sagot ko nalang na parang walang nangyari sa pagitan naming dalawa ng lalaking ito.


"Yayain mong sumayaw si Prince Dirk." Utos ni Luigi saakin.


Mabilis na napatingin ako dito para senyasan na hindi ko maaaring gawin ang gusto nito lalo't nasa ganitong sitwasyon kami ng lalaking ito.


"Bawal tumanggi!" Mariing wika nito.


Fuck!


Mariing mura ko sa isip.


"Dali na!" Sila Barcia.


Nanghihina ang mga tuhod na napatayo nalang tuloy ako para gawin na ang gusto ng mga ito sa kabila ng very awkward naming sitwasyon ngayon ni Dirk.


"Maaari ba kitang masayaw?" Alok ko dito ng kamay ko na mabilis lang nito tinapunan ng tingin.


"Ayoko." Mariing tanggi nito.


Mabilis na lumingon naman ako kila Barcia para senyasan ang mga ito na si Dirk na ang may problema't nagawa ko na ang parte ko.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon