Chapter 6

90 12 0
                                    



Noctis Lucis Caelum POV


"Grabe yung galit sayo ni Artemisia, noh Nokuto?" Si Prompto. "Sa tuwing magkikita yata kayong dalawa ay parang magkakaroon nanaman ng world war!" Dugtong pa nito.


"Pwede ba Prompto!?" Si Gladio. "Kung makapagsalita ka akala mo wala kang nagawa na masama kay Artemisia noon ah?" Dugtong pa nito.


"As far as I remember, isa ka rin sa naging promotor noon para magkalapit si Noctis at Luna." Singit ni Ignis.


"Aba teka muna!? Bakit parang ako pa yata lumalabas na masama dito? Bakit!? May choice naman si Noct na huwag iwanan si Misia noon ah!?" Depensa ni Prompto para sa sarili niya.


Choice...?


May choice nga ba ako nung mga panahon na yun...?


Parang wala naman.


Sagot ko sa isip.


"Dad!"


Sabay-sabay kami halos napalingon kay Zeref na bigla nalang pumasok sa loob ng vet clinic ko na kadugtong lang halos ng pet shop ko.


"May magandang customer sa labas!" Nakangiting anunsyo nito.


"Magandang customer!?" Halos sumumpong nanaman ang pagiging babaero ni Prompto ng marinig nito ang anunsyo ng anak ko.


"Opo!" Mabilis na sagot nito. "Sobrang ganda po talaga as in!" Dugtong pa nito.


"Aba, Noctis..." Si Gladio na natatawa nalang sa ginagawa ng anak ko. "Mukhang hindi tulad mo ay babaero itong anak mo ah?" Dugtong pa nito.


"Siraulo." Supladong sagot ko dito sabay bato ng bimpo ko sa pagmumukha nito na mabilis naman nitong nasalo.


Yun lang at lumakad na ako palabas ng clinic para harapin ang customer na sinasabi ng anak ko.


"Oy! Sama ako diyan saglit!" Habol pa ni Prompto kasunod sila Gladio na binatukan nalang ito.


Isang maputi, matangkad at babaeng may mahabang buhok na nakatalikod ang siyang nabungaran namin.


Subalit kahit nakatalikod pa ito saamin ay kilalang-kilala ko na agad kung sino ito.


~ ____ ~  !


Nasaan kaya yung ganda na sinasabi ng anak ko sa isang ito?


Anyway, sino ba naman ang hindi makakakilala kay Arthemis?


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon